Ang pag-ibig ay parang paglalaro ng baraha
Sabihin mang madali, nakabase pa rin ito sa balasa
Hindi alam kung magiging hari ng pinapangarap mo na reyna
O maging alas ng buhay nyaAng pag-ibig ay parang sugal
Hindi mo alam kung talagang ika'y tatagal
Hindi mo rin alam kung ito'y magiging dahilan ng sagabal
O dulot ng tamang tiempo at pagpapagalSa pag-ibig, madalas maraming mahihita
Kung totoo ba, o pawang mga katha
Sa panahon ngayon, mahirap makita
Ang tunay na pag-ibig, hindi na kita sa mataSa mundong mapaglaro, kahit pa planado
Madalas matatalo at maging delikado
Kung ika'y madaling mahulog, mas lalong dehado
Huwag iibig kung di pa siguradoSa pag-ibig na tila ba'y isang laro
Matakot na maging isang laruan
Dahil paghihirap sa mga ilang tagpo
Ay dulot ng pag-ibig na walang kasiguraduhan
BINABASA MO ANG
Tula (2019)
PoesiaThis is a compilation of the poems I've done since I started writing