Sa Iyo Nagmumula ang Ganda ng Aking mga Tula

45 4 0
                                    

Lalamanin nito ang nagbigay kulay
Masasabing ito'y muling nabigyang buhay
Akala ko dati ito'y biglang namatay
Galak ay bumalik, lungkot ang nalumbay

Nagpipintang langit na kulay bughaw
Pinunan mo ng tubig ang aking pagkauhaw
Pinagalab ang apoy na nagbabadyang umapaw
Sa katuwaan, dahil sa dala ng kasiyahang hindi maituring na mababaw

Sa kalikasan kita'y inihahalintulad
Dahil sa dala nitong ganda sa aking mga mata
Tila ba ito'y naglalahad
Ng isang napakagandang tanawin na doon lamang makikita

Maaaring ito na ang pinakamagandang tula na aking nagawa
Dahil ito'y mayroong pagkakaiba
Gusto ko lamang sa iyo ipaalala
Ang natatangi mong ganda, sinta

Ito ang pinakamagandang tula na aking naisulat
Dahil ika'y nandito
Dahil ang pinakamagandang tula na aking sinulat
Natatangi mong ganda ang ginamit ko

Kahit saan, ito'y makikita
Kahit kailan, ito'y maaalala
Hindi mo man maisip at maaring ikaila
Ito'y alay ko, ang aking tula
Dahil ang tunay na ganda ng aking tula
Ay sa iyo nagmumula

Tula (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon