Pagiging Pilipino'y minsan ay magulo
Minsan masaya, pero minsan ay lungkot ang dala nito
Dahil sa mga ilang tumatak na mentalidad ng tao
Ang ikot at galaw ay minsa'y nababago
Isa sa mga tulad nito
Ay ang pang aapi sa mga kakayahang intelektwal ng tao
Na sa kahit anong galing sa pagpapaliwanag ang gawin mo
Kung makitid ang utak ng pagsasabiha'y talo ka sa dulo.
Isa pa dito'y mga utak alimango
Kung wala ako, wala ka rin dapat, kasunduan ito
Mabububuhay sa inggit kapag wala niyan at wala nito
Sa mga taong ganito, paano na tayo?
Sana'y pigilan nating maging traydor
Sa mga ibong mataas na lumilipad ay gagamitan ng tirador
Tayo'y pataas, h'wag pababa maghilahan
Tayo'y wag magsiraan, kundi magtulungan
BINABASA MO ANG
Tula (2019)
PoesiaThis is a compilation of the poems I've done since I started writing