Lima, apat, tatlo, dalawa, isa
Pakiramdam na naikubli ay hindi na naipadama
Sa simpleng pag amin, ako'y biglang tumutumba
Yung sasabihin ko, hanggang ngayon, sasabihin parin, hindi ko makayaLumipas ang panahon ngunit wala pa rin
Yung gusto kong sabihin, hanggang ngayon, nanatiling sasabihin
Gusto kita, gustong gusto
Pero anong nangyayari? Nauutal, nawawala at nanghihina akoHindi na lingid sakin kung maunahan
Dahil sa ito rin naman ay aking kasalanan
Mahal kita, pero wala itong papupuntahan
Pagkatorpeng umiiral, nananatili at patuloy na dumadaloy sa aking katawanSa mundong madaya, pangarap ay imposible
Pagkat ang nararamdaman, hindi malahad kahit tingin nila'y ito'y simple
Pangarap na sinisinta, mapasakin ay imposible
Gusto kong umamin, kaso ako'y torpeTatahimik nalang muna
Obligahin ang sarili
Rarason ang takot na ika'y mawala
Pakiramdam ay ikukubli
Eto ma'y masakit, pilit itatago para sa ating dalawa
BINABASA MO ANG
Tula (2019)
PoetryThis is a compilation of the poems I've done since I started writing