Kabataan ang pag asa ng bayan
Madalas marinig sa mga bayani at kababayan
Tuon ang atensyon sa paghubog sa mga pang kinabukasan
Dahil sa kanila ito'y nakalaanKabataan ang pag asa ng bayan
Hindi maitatanggi sa kahit sinuman
Ngunit parang hindi tugma sa inaasahan
Kabataan parin ba ang pag-asa ng bayan?Kabataan parin ba ang pag asa?
Kung nakikita mong mga nagtatrabaho sa murang edad sa mga kalsada
Kabataan parin ba ang pag asa?
Kung sa mura at salat na edad ay pinapasakay na sa anomalyaKabataan parin ba ang pag asa?
Kung sa murang edad, ang tiyan ay bilog na
Kabataan parin ba ang pag asa?
Kung sa murang edad ay lulong na sa drogaKabataan parin ba ang pag asa?
Daig pa ang nagtatrabaho kung makapagreklamo sa pagbibigay ng pera
Kabataan parin ba ang pag asa?
Kung mas pinapahalagahan pa ang tropa kaysa sa pamilyaKabataan parin ba ang pag asa?
Kung ang pokus ay hindi na sa libro kundi sa social media
Kabataan parin ba ang pag asa?
Kung mas inuuna ang pag aralan ang memes kesa aralin ang Siyensiya at MatematikaGanito ba ang pag asa tinutukoy nila
Na sasagip sa kinabukasan ng lahat?
Tunay pa nga bang pag asa?
O iaasa din sa mga susunod pang pangkat?Bata, gising
Hindi pa huli ang lahat
Bangon, kayod, hiling
Na sa susunod na henerasyon, ika'y maging tanyag
BINABASA MO ANG
Tula (2019)
PuisiThis is a compilation of the poems I've done since I started writing