Lalaban Kahit na Mahina

42 4 0
                                    

May mga bagay na madalas na hindi tugma
May ilan na mas may angking kakayahan na wala sa iba
May mga tinatagong galing na ika'y wala
Dahil sa natatanging lakas nila

Ako'y isa lamang hamak na nilalang
Na may pagkasalat sa kaalaman
Madalas masabihan ng walang galing o hibang
Minsan pa't kinutya dahil sa pansariling kakayahan

Ngunit kahit ganito ang kanilang turing
Handa ako sa duwelo
Kahit man ang tingin sa aki'y katiting
Sa pakikipaglaban, sasabak ako

Kahit sa tingin niyo'y hindi ko kakayanin
Mayroon akong lakas na tinataglay
Anumang laban kahit sa malalakas ay sasabakin
Dahil lakas ko'y Diyos ang nagbigay

Huwag ituring na mahina
Ang lakas na aking tinataglay
Lalaban kahit na mahina
Makikita ninyo sa dulo ang aking tagumpay

Tula (2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon