Alex's POV
Pumasok na ang isa sa magiging guro namin. Hindi pa man sya nakakapagsalita'y marahas na bumukas ang pinto. Napalingon kaming lahat doon at niluwa nito ang tatlong maangas na lalaki ata dalawang babae na akala mo'y binudburan ng harina sa mukha sa sobrang kaputian. Maputi naman sila kaso hindi lang talaga nagpantay ang kulay ng mukha sa kulay ng leeg nila.
"Sila ang dapat mong iwasan." Napalingon ako kay Lily dahil sa sinabi nito. "Bully sila, kahit sino binubully nila basta mapagtripan. Hindi naman makapalag ang ilan dahil dalawa sa kanila'y anak ng board member." Tumango ako sa sinabi nya.
"Thanks for giving me a heads up." Nakangiti itong tumango sa'kin. She's cute.
Naglakad na ang lima patungo sa pwesto namin. Huminto ang dalawang babae saka tinignan kami't ngumisi bago dumiretso sa likuran namin.
"Bitch!" Narinig ko pa ang binulong ni Lily. Napangisi na lang ako sa aking isip.
Nagsimula kami sa pagpapakilala isa-isa. No'ng una'y ayaw nila dahil kilala na raw nila ang isa't isa pero hindi nagpatinag ang teacher namin kaya't sya pa rin ang nasunod.
Tinawag ni Miss ang nasa unahan para simulan na ang pagpapakilala. Dalawa pa lang ang tumatayo sa harap ng maramdaman kong may sumipa sa upuan ko. Mahina lang 'yon kaya hindi ko pinansin, marahil ay nasagi lang. Nawala rin naman kaagad.
Nang tumayo na ang pang lima't naramdaman ko ulit ang pagsipa sa upuan ko. Mas malakas ito ng bahagya kumpara kanina. Tinagilid ko ang ulo ko pero hindi ako lumingon. Muli kong hinayaan 'yon. Hanggang sa naulit muli at sa pagkakataong 'to ay mas malakas. Napalingon si Lily sa'kin dahil naramdaman na nya ang pag sipa sa upuan ko.
Sisigawan na nya dapat ang gumawa no'n pero mabilis ko syang pinigilan. Inikot lang nya ang mata saka muling tinuon ang atensyon sa harapan, Nasa kalahati na ang tapos magpakilala ng muling sinipa ang upuan ko na syang nagpatayo sa'kin. Dahilan para mapalingon sa pwesto namin ang lahat.
"Ano bang problema nyo!" Inis na sigaw ni Lily. Nakatayo na rin sya katulad ko.
"What? We didn't do anything." Patay malisyang tanggi ng lalaking nasa likuran ko. Mababakas na ang inis sa mukha.
"What's going on there?" Napalingon kaming lahat sa kay Miss ng magtanong ito.
Agad kong piniglan si Lily sa balak nitong pag sagot,
"Miss excited kasi syang magpakilala!" Sigaw ng isang babae na kasama nila. Nagtawanan ang mga kaklase namin kahit wala namang nakakataw sa sinabi nito.
"Darating din tayo dyan. Maupo na muna kayo dahil malapit na rin naman kayo." Muli kaming umupo kahit pa na naririnig ko ang pag bungisngis nilang lima.
Huminga ako ng malalim saka kinalma ang sarili. Hindi ko dapat sila patulan dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang magagawa ko. Kailangan kong mag ipon ng maraming pasensya dahil sa tingin ko'y hindi nila ako titigilan. Mukhang magsisimula na ang isa sa mga kalbaryo ko sa buhay.
Mabuti na lang at hindi na naulit pa ang pantitrip nila hanggang sa ako na ang magpapakilala.
Tumayo ako't naglakad papunta harapan. Nakita ko ang paghahagikgikan ng lima sa likod ng humarap ako sa kanila.
"I'm Dria Martin." Iyon lang ang sinabi ko at muling naglakad pabalik sa upuan pero agad akong pinigilan ni MIss,
"Is that all miss Martin?" Tumango ako kanya, "Say something else other than your name. Your hobbies or your favorite." Tinitigan ko sya bago mag buntong hininga saka muling bumalik sa harapan.
Sa totoo lang wala akong maisip na sasabihin dahil hindi ko ugaling magkwento ng talambuhay ko.
"Dria lang ba talaga ang pangalan mo?" Tanong ng isa kong kaklase.
BINABASA MO ANG
I am GOKDO
Teen FictionShe can't accept the fact that her innocent sister is in critical condition fighting for her own life. Alex did the only thing she know to get justice for her twin sister-Alexa-and that is to do what they'd done to her. At dahil sa nangyari ay nap...