Chapter 23

101 8 2
                                    

Start writing your story

Chapter 23

Dria's POV

Mabilis na lumipas ang mga araw. Matapos ang laban namin sa Dark Alley ay agad kaming bumalik sa SCC (Sports Club Community) dahil may laban kami kinabukasan simula na ng mga laro para sa championship at pasok halos lahat ng sports na kasali ang team naming ay pasok.

Kinabukasan ay lumaban ang grupo nila Damon para sa championship at tulad ng inaasahan ay naipanalo nila iyon. Kaya laking tuwa ni Lily sa pagkapanalo. Sa sumunod na araw ay ang basketball at volleyball team namin ang lumaban at hindi rin sila nagpatalo dahil nakuha rin nila ang championship. Sunod-sunod na lumaban ang bawat team namin at halos lahat ay naipanalo nila.

Samantalang kahapon ang naging laban namin sa archery at hindi ko sila binigo dahil lahat ng naging puntos ko ay walang palya. Hindi rin naman kami binigo nang ilan pa naming kasamahan dahil halos lahat ay bulls' eye ang mga tira. At ngayon nga ay huling laban namin sa Tennis kasama ang grupo nila Jhonny at mamayang hapon gaganapin ang Awarding Ceremony.

"Kinakabahan ako..." napalingon ako kay Tiara at kapansin-pansin ang pagiging tensyonado niya.

Lumapit ako sa kaniya at tinapik siya sa balikat. "Kaya mo 'yan. Manalo o matalo, atleast nagawa nating makapasok hanggang championship."

"Tama si Dria, sa loob ng ilang taon ay hindi man lang natin nagawang pumasok sa championship. Palagi tayong nasa huli." Segunda ni Mila.

"Sa totoo lang ay malaki ang naging tulong ni Dria sa sa 'ting lahat dahil sa mga naging laban niya, ginanahan tayo at lumabas ang pagiging competitive nating lahat."

"Hindi naman..." tanging sambit ko,

"Tama!" Sabay na sambit ni Tiara at Mila.

"Actually, dahil sa inyo iyon at hindi sa 'kin dahil kayo pa rin ang lumaban. Kayo pa rin ang humarap sa kanila at dahil iyon sa mga natatangi niyong galing at pagmamahal sa tennis kaya nagawa niyong ipanalo ang mga naging laban niyo." Tinignan ko sila isa-isa. "Sa totoo lang, matagal ko ng iniwan ang tennis pero dahil sa inyo ay muli akong nakapaglaro kaya naman ay nagpapasalamat ako sa inyo."

"Group hug?" si Josh.

"Group hug!" lumapit silang lahat sa 'kin at niyakap ako. Ganoon din ang ginawa ko sa kanila. Kumalas sila at makikita sa mga mata namin ang determinasyon na ipanalo ang labang ito.

"Para sa Rydell High..." sambit ko at nilagay ang kamay sa harapan. Naintindihan naman nila ang gusto kong mangyari kaya pinatong nila isa-isa ang kamay nila sa likod ng palad ko. Sabay-sabay ang naging paglingon naming kay Damina, ang team captain namin. Naglakad siya patungo samin at ang kamay niya ang nasa ibabaw.

"Para sa Rydell High..." seryosong sambit niya.

"Para sa Rydell High!" We said in unison and push our hands downward before lifting it up to the air.

Napansin namin ang pagdaan ng grupo nila Jhonny at nginisian kami. Nagkatinginan lang kaming lahat matapos iyon at sabay-sabay na natawa na para bang iisa lang ang nasa isip namin. Nakangiti naming nilingon ang crowd na hindi magkamayaw sa pagsigaw ng mga pangalan namin. Halos nangingibabaw ang sigaw ng mga tiga-Rydell High. Kahit pa maraming sumisigaw ay hindi pa rin nakaligtas sa pandinig ko ang boses ni Lily.

"Grabe 'yang kapatid ni Damon, ang lakas ng boses." Si Josh habang napapailing na nilingon ako. "Ibang klase din ang fandom mo no, Dria?" May pataas-taas pa ng kilay si Josh sa 'kin.

"True! Ang lakas ng sigaw para kay Dria! Galing yarn?"

Hindi ko pinansin ang mga pang aasar nila at umupo lang sa bench na para sa 'min. May ilang minuto pa ang natitira bago magsimula ang laban kaya inilibot ko muna ang tingin sa mga manonood. Nahagip ng mata ko ang pwesto nila Dennise at Patricia, kasama nila sila Lily na hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin. Nasa pwesto rin nila ang buong soccer team at napahinto ang tingin ko kay Damon na seryosong kinakausap ang isang babae.

I am GOKDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon