Chapter 21
Drias POV
Dire-diretso lang ang ginawa kong lakad-takbo. Hindi ko makuhang lumingon sa likuran ko dahil hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang pamumula ng mukha ko. Nang hindi ko na maramadaman ang pagsunod niya ay huminto na ako. Lumingon ako para kumpirmihan na wala na talaga siya at napabuntong hininga ko nang hindi na siya nakasunod.
Nagkibit balikat na lang ako at muling itinuloy ang paglalakad. Wala akong maisip na lugar na pwedeng puntahan kaya naglibot na lang ako dahil hindi ko pa ito nagagawa simula nang makarating kami dito.
Namangha ako sa nakita nang makarating sa isang mini garden na hindi ko akalain na magkakaroon nito dito dahil sa isa 'tong tournament area. Akala ko'y mga gusali at courts lang ang makikita rito. Mukhang hindi rin ito alam ng lahat dahil wala akong makitang tao.
Naupo ako sa lilim ng isang puno para pagmasdan ang mga paru-parong paikot-ikot sa mga bulaklak. Hindi ako maalam sa mga bulaklak dahil hindi ako mahilig doon kaya hindi ko alam kung anong klaseng mga bulaklak ang narito. Pumikit ako para damhin ang simoy ng hangin at humiga ako sa damuhan para magrelax.
Dahil sa puyat ay hindi ko namalayang nakatulog ako ng bahagya, naalimpungatan lang nang maramdamang may nakatingin sa 'kin. Bago ko ibuka ang mga mata ay pinakiramdaman ko muna ang presensya ng taong iyon at kakaibang aura ang nilalabas nito.
Iminulat ko ang aking mata at nasalubong ang madilim na tingin ni Tyron. Napakunot noo ako dahil hindi ko alam kung bakit ganiyan ang tingin niya sa 'kin. Nanlaki ang mata ko ng para siyang isang toro na sumugod sa 'kin.
Mabilis ang ginawa kong pagtayo at pag-iwas. Hindi pa man ako nakakahuma ay muli siyang sumugod at sa pagkakataong ito ay para siyang papatay ng tao. It alarms me so I immediately dodge his attack. I haven't kow yet his intention but I just did what I think is right and that is to avoid all his attacks.
"What the hell is your problem!?" Bulyaw ko sa kanya nang makalayo ako ng bahagya. Hindi niya ako sinagot at muli na namang sinugod.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na siya iniwasan at sinalubong na ang lahat ng atake niya.
Sinipa niya ako sa tagiliran at bago pa iyon lumapat sa katawan ko ay mariin kong hinawakan ang paa niya. Hinila ko siya dahilan ng pagkatumba niya. Sinubukan niya muli akong sipain gamit ang isa pang paa kaya mabilis ko siyang binitawan at umatras.
Tumayo siyang muli at hinarap ako. Nawalan na ng emosyon ang mukha ko nang maglabas siya ng patalim. Alam kong seryoso na siya pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong maisip na dahilan para sugurin niya ako ng ganito.
Sumugod siya habang hawak ang patalim. Mabilis ang ginawa kong kilos para iwasan ang mga atake niya. Nasipa niya ako sa paa kaya natumba ako dahilan para magkaroon siya ng pagkakataong isaksak sa 'kin ang patalim. Gumulong ako pakaliwa at agad siyang sinipa. Napasubsob siya sa damuhan at tumilapon ang hawak niyang patalim sa ka kung saan.
Muli siyang sumugod at imbis na iwasan ay umatake na rin ako. Umamba ang kamao ko sa mukha niya pero nahawakan niya iyon. Napaigik ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya at sa lakas ng pwersa na binibigay niya. Sinubukan niya akong suntukin gamit ang isa pa niyang kamay pero gaya niya ay hinawakan ko iyon ng mariin.
Nagtitigan kaming dalawa at ginamit ko iyong pagkakataon para sipain siya. Dahil hindi niya iyon inaasahan ay napaatras siya at nabitawan ako.
Hindi ko siya binigyan ng pagkakataong makabawi at mabilis na sumugod sa kaniya. Sunod-sunod na suntok ang pinakawalan ko at halos hindi niya masundan ang bilis ng kilos ko. Isang marahas na sipa sa sikmura ang binitawan ko at tumilapon siya sa mga paso ng bulaklak.
BINABASA MO ANG
I am GOKDO
Teen FictionShe can't accept the fact that her innocent sister is in critical condition fighting for her own life. Alex did the only thing she know to get justice for her twin sister-Alexa-and that is to do what they'd done to her. At dahil sa nangyari ay nap...