Chapter 14
Alex's POV
"Hey!" Hinarangan ni Brenda ang daan ko palabas ng iskwelahan.
"Anong kailangan mo?"
Tumaas ang kilay niya. "You have to be here on monday at exactly five o'clock in the morning and bring your stuffs for at least a month. Basta 'yong kakasya sa loob ng isang buwan!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Well, kahit hindi niya sabihin ay pupunta naman talaga ako dahil sa lunes na ang opening ng interhigh at sa lunes din ang alis ng lahat ng players ng school namin.
"Kung wala ka ng ibang sasabihin aalis na ako. Basta dapat narito ka sa lunes!" Napailing na lang ako at hindi ko masyadong inisip ang sinabi niya.
"Sulat kamay mo ito, 'di ba?" Marahan akong tumango.
"Pero hindi po ako nagpasa o nag apply sa tennis team," bumaling ako sa pwesto nila at ang ilan ay umirap sa 'kin.
"Sir!" Tawag ng isang lalake sa tennis team. "Sa totoo lang po, never po naming nakasama siya sa training dahil sabi ni Captain, siya na raw ang bahala. Si Captain po ang nakakausap niya at nakakasama sa mga trainings at nagpagawa rin po si Captain ng uniform para sa kaniya."
"Where's your Captain then?"
"Hindi raw po siya sasabay sa 'tin ngayon dahil didiretso raw po siya sa Sport Community dahil kasabay niya raw sa pagpunta ang lolo niya."
Napakagat labi ako. Puctcha! Sino ba ang captain nila? Hindi ko nga kilala kung sino 'yon tapos sasabihing nakakasama ko? Kainis!
"Sir, hindi ko po kilala kung sino ang captain nila 'tsaka madalas po akong nasa training kasama ang archery kaya imposibleng nakakapag training ako kasama ang captain nila." Halos hindi na makilala ang tono ng boses ko. Fuck! Nakakstress siya, promise!
"Iha, you filled up this form and as per you, this is your penmanship. Baka may miscommunication na nangyari dito pero gusto kong sabihin sa 'yo na hindi na mababawi ang pangalan mo sa list ng tennis team dahil naipasa na sa Sports Community Coordinator ang list at hindi na 'yon mababago."
"Pero sir-"
"Hello!"
Halos mapamura ako sa sumingit sa sasabihin ko. Lumingon kaming lahat doon at nakita sila Denisse at Patricia ang naroon.
"Yes, miss?"
"Ahh, sir, sabi po kasi ni sir Cielo ay dito na lang daw po kami kasi puno na po ang bus namin. May space pa raw po rito sabi niya," sa 'kin nakatingin si Dennise habang nagsasalita at nakakunot ang noo niya.
"Okay," pumasok ang grupo nila Dennise. Lima sila at sakto lang sa dulong bahagi ng bus. "So miss Martin, pagusapan niyo ito pagdating sa Sports Club Community kasama ang captain ng tennis at captain ng archery. Sasabihin ko rin sa coordinator natin ito para mas mainform sila." Tumango na lang ako at bumalik sa pwesto.
"Dria..."
"Yes, Cap?"
"Pagusapan natin ito mamaya." Tumango ako sa kaniya.
Pagbalik sa pwesto ay sa katabing bintana na ang bakante. Tinignan ko si Damon at nagkibit balikat. Hindi na ako nagtanong at umupo na lamang. Wala ako sa mood magsalita hanggang sa tuluyang umalis kami sa school.
Umabot ng halos tatlong oras ang naging byahe namin. Malayo ito sa sibilisasyon. Parang nasa isa kaming probinsya dahil ilang malilit na gusali ang makikita sa paligid. Tinahak lang ng bus ang tuwid na daan hanggang sa makapasok kami sa isang gate.
BINABASA MO ANG
I am GOKDO
Teen FictionShe can't accept the fact that her innocent sister is in critical condition fighting for her own life. Alex did the only thing she know to get justice for her twin sister-Alexa-and that is to do what they'd done to her. At dahil sa nangyari ay nap...