Chapter 6
Alex's POV
I woke up early, kaya may oras pa ako para magluto at kumain ng almusal. Bumangon ako para magluto ng agahan bago maligo. Nasa kusina ako nang maalala ang nangyari noong sabado ng gabi.
"Gokdo! Gokdo! Gokdo!"
Ugh. I really hate it when they chant my name repeatedly. It sounds like Goku. Do I look like Goku? Napairap na lang ako at hinayaan sila.
Hindi katulad ng nauna kong laban, mas malakas na ang sigaw ng pangalan ko. May ilang gangster na rin ang pumusta sa'kin kaya alam kong tuwang-tuwa si Rico dahil malaki na naman ang makukuha niyang pera. Hinayaan ko na lang siya dahil mas malaki pa rin ang parte ko.
This is my last fight for tonight. Mas mahina ang nakalaban ko sa pangalawa dahil dalawang malakas na suntok lang ang pinakawalan ko ay bumulagta na agad ang kalaban.
Ito nga ang pangatlo kong laban pero may nararamdaman akong kakaiba sa kaniya. Nararamdaman ko ang lakas ng presensya niya at hindi niya iyon tinago. Parang pinaparamdamn niya sa'kin na mas malakas siya kaysa sa'kin. Hindi naman ako natatakot dahil matagal ko ng naitago ang lakas ng presensya ko.
Sa ilang taon kong ginagawa iyon ay namaster ko na kung paano itago ang aura ko. Naging normal na lang iyon sa'kin at lalabas lang iyon kung gusto kong iparamdam sa kaharap ang lakas ng aura ko.
Nagtitigan lang kami ni Otso, iyon ang pangalang sinisigaw nila sa kaniya. Sabi ni Rico ay si Otso ang lider ng ikawalong grupo na nasa rank 10. Otso rin ang pangalan ng grupo niya. Weird isn't it? Otso ang pangalan ng lider. Osto rin ang pangalan ng grupo tapos nasa rank 8 pa ang grupo nila. Ang weirdo naman no'n.
Paano kung umangat ang grupo nila at naging pang lima sila sa pinakamagaling? Pero gaya ng sabi ni Rico kanina, matagal na sila sa rank nila. Hindi raw talaga sila naalis sa rank na iyon kahit deserve nila na mapunta sa ikatlong pwesto. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ayaw nilang bitawan ang rank nila pero wala na akong pakialam doon kaya hindi ko na aalamin.
Magkaharap kami at parehong nakatitig sa isa't-isa. Hindi siya kumilos kaya hindi rin ako kumilos. Pareho kaming nagpapakiramdaman. Kahit isang beses ay hindi ako na bother sa pinapakawalan niyang aura. Parang tinatakot niya ako pero hindi naman ako nasisindak at mas lalong hindi ako papasindak.
Lumipas ang dalawang minuto simula ng magumpisa ang laban pero walang gumagalawa sa'ming dalawa kaya ako na ang unang kumilos. Mukhang ginagaya niya ang ginawa ko sa nauna kong laban. Puro iwas ang ginawa niya at pinagmamasdan ang kilos ko. Hindi niya alam na gano'n din ang ginagawa ko sa bawat ilag niya.
Nang masigurong sapat na ang nalalaman niya sa mga kilos ko ay umatake agad siya sa'kin. Ako naman ngayon ang panay ilag. Ngumisi ako sa kaniya na kinakunot ng noo niya. Binago ko ang galaw ko ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata niya.
Ngayon ako sunod-sunod nagpakawala ng suntok. Hindi niya nakita iyon kaya bahagya siyang nagulat kaya. Tinamaan ng kamao ko ang dibdib niya kasunod ang pagsipa ko sa binti niya. Sinundan ko ulit ng isa pang suntok ang dibdib niyang tinamaan ko kanina gamit ang kaliwang kamay. Napaatras siya at hinawakan ang dibdib.
Kinakapos ito ng hininga kaya muli akong sumugod. Nagawa niyang makaiwas at nabigyan ako ng suntok sa panga. Napaatras ako ng isang hakbang. Nakikita ko pa ring nahihirapan siyang huminga dahil sa heartbreak na pinakawalan ko.
Hindi ako nagsayang ng oras at muling sumugod sa kaniya. Mabilis ang bawat kilos ko pero kahit dehado siya ay nagagawa niyang ilagan ang mga atake ko. Tinamaan ako sa tagiliran ng sipain niya ako roon. Napadaing ako at masama siyang tinitigan. Humakbang ang paatras. Napangisi siya sa nakitang reaksyon ko.
BINABASA MO ANG
I am GOKDO
Teen FictionShe can't accept the fact that her innocent sister is in critical condition fighting for her own life. Alex did the only thing she know to get justice for her twin sister-Alexa-and that is to do what they'd done to her. At dahil sa nangyari ay nap...