Chapter 16

184 10 1
                                    

Chapter 16

Alex's POV

Napahinto kami sa paglalakad nang may humarang sa'min. Tinignan ko sila isa-isa, sampu sila at lahat ay nakangisi. Napataas ang kilay ko at inalis ko ang kamay ko na naka-angkla sa braso nila Dennise.

"Ano ang kailangan niyo sa'min?" Seryosong tanong ni Dennise sa kanila.

"Kayong tatlo," sagot no'ng isa.

"Alam naming kami ang pakay niyo, ang tanong ko, anong kailangan niyo samin? Huwag bobo sa pagsagot!" Inis na bulyaw na Dennise. Nakita ko ang galit na bumalot sa mukha noong lalaki. "Intindihin kasing mabuti ang tanong bago sagot,"

"Gagu ka, ah!" Sumugod ito at umamba ng suntok pero nahawakan ni Dennise ang kamao nito. Napangisi ako nang makita ang gulat sa mukha nito ngunit agad ding napangiwi nang iikot ni Dennise ang kamay nito. Napahiyaw ito ng malakas at naging dahilan iyon para sumugod ang mga kasama nito.

Apat ang napunta sa'kin at tig tatlo ang dalawa. Hindi ko na sila tinignan at mas nagpokus sa apat na kaharap. Lahat sila ay may ngisi sa mga labi samantalang walang makikitang emosyon sa buong mukha ko. Nakatitig lang ako sa kanila habang pinapakiramdaman ang kilos ng bawat isa. Gusto kong iikot ang mga mata ko nang makitang nagsenyasan sila na akala mo naman ay hindi ko nakita.

Naramdaman kong sumugod ang isa mula sa likuran, hindi ako kumilos hanggang sa ilang sintemetro na lang ang layo ng paa nito sa likuran ko ay mabilis akong gumilid. Nasipa niya ang hangin at binigyan ko siya ng isang malakas na pagsiko, tumama iyon sa mukha niya. Naramdaman ko ang pag atras nito. Sabay-sabay na sumugod ang tatlo at ni isa sa kanila ay walang nakatama sa'kin.

Sumuntok ang nasa kaliwa ko, yumuko ako upang iwasan tsaka ko siya binigyan ng suntok sa sikmura. Napaatras din ito. Sinipa ko patalikod ang lalaking susugod sakin, tumalon ako at umikot sa ere, tinamaan ko naman ito sa mukha. Ako na ang sumugod sa pang apat, binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngisi bago binitawan ang dalawang malakas na suntok sa mukha. Nang mahilo ito ay hinawakan ko siya sa kaniyang balikat at ngumisi bago binasag ang kaniyang kinabukasan. Napalingon ako sa dalawa at katatapos lang din nila.

"Seriously, we just wasted our time to these bunches of losers."

Napalingon kaming tatlo nang marinig ang palakpak. Tumambad sa'min ang nasiyahang mukha ni Tyron.

"What is this, Tyron? You send us some losers and weaklings. Next time, bring some worthy of our time not with this kind of weakling."

"Don't worry, Dennise, I will surely send you the good one the next time you got into my nerves." Matiim niyang banta. "See you when I see you, bitches!" I scoffed.

"Ang yabang, akala mo naman may binatbat," si Dennise.

"Hayaan mo na lang siya, papansin lang 'yan si Tyron." Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Patricia.

Tinuloy namin ang paglalakad patungo sa old gym na sinasabi nila Dennise. Nakarating kami sa dulong bahagi na napapaligiran ng ilang lumang building. Siguradong walang magtatangkang magtungo dito dahil sa nakakatakot na paligid, syempre maliban sa'min. May nakita akong maliit na gate na halos matakpan ng mga dahong ligaw. Hinawi ni Dennise ang mga baging at dahan-dahang binuksan ang maliit at lumang gate na kinakalawang na. Pumasok kami roon at isang pasilyo ang bumungad. Nilakad naming ang pasilyo hanggang sa makalabas kami at bumungad ang ilang malalaking gusali. Luma na ang mga ito at kaunting lindol lang ay maaring gumuho ito. May ilang bitak din ang makikita na nagsasabing ilang dekada na ang lumipas simula ng itayo ang mga ito.

Inilibot ko ang tingin at kahit luma na ay masasabi kong maganda pa rin ito. Sigurado akong maganda ito noon. Naglakad sila Dennise kaya sumunod ako sa kanila. Binuksan nila ang isang pinto at sa pagpasok ay isang tennis gym ang naroon. May lumang net pang naka kabit sa gitna. Inilibot ko ang paningin at napangiti.

I am GOKDOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon