Chapter 8: Clarity

581 41 6
                                    


The breakfast mission was a success. Para siyang nabunotan ng malaking tinik sa dibdib. Hindi niya kaya talaga pag parents na niya ang involve. Matitiis siguro niya ang kapatid niya pero not her parents.

Pumanhik siya sa itaas and decided to rest muna ng ilang oras. By lunchtime she needs to visit Concha's before going to her office at BGC.

May mga pending designs siyang need e-revise for a client. She is about to close her eyes when her phone rings. She reaches for it and saw Reynald calling.

She sigh. Honestly for the past hours. Hindi niya naisip ang nobyo. Her mind is filled with her Dad.

Napabuntong hininga siya. She finally decided to receive the call.

"Hello?"

"What the fuck happened to you? I've been calling and texting you since last night? Ginagawa mo ba akong tanga, Athena?"

Napaigtad siya sa sinabi nito.

"What did you just said?"

"What? Sabi ko—ginagawa mo ba akong tanga?"

"Nope. I am sorry. I wasn't able to call you back nor texted you back. I am just too occupied last night."

"Ganon? Ako tong boyfriend mo, di mo man lang naalala? Di ka man lang nagtanong kung kumusta na yong mukha kong sinuntok ng magaling mong kapatid?"

Natahimik siya.

"I am sorry about that, Nad. I am sorry about what happened. Kumusta na? Nasugatan ka ba? Namaga ba? Sana okay ka lang?"

"Wow, after what? halos dalawang araw? Saka mo ako tatanongin ng ganyan? Sabihin mo sa kapatid mo mag one-on-one kami! Yabang eh."

"I am sorry, okay? Can we talk some other time, Nad? I am really so exhausted these past days. I need to rest."

"Kailan tayo magkikita?" Reynald asked.

Iniisip pa niya kung makikipaghiwalay siya over the phone? Or makipagkita siya dito? But how? Ayaw niyang magsinungaling kay Siegfried and most of all sa parents niya.

She is really thinking hard about what her brother said. That she should get away from Reynald. She really wanted to know anong dahilan ni Siegfried. Pero kung kakapain niya ang puso niya ngayon, she is conflicted, pero mas mabigat ang mga magulang niya ngayon especially her Dad over someone, kahit pa sabihin niya minahal niya ito.

Para sa kanya, masyado siyang mahal ng pamilya niya, inalagaan ng husto at walang dahilan para suwayin niya ito.

May mga gusto siyang alamin about kay Reynald but her heart is certain now that I guess this should stop. Alang alang sa Daddy niya. What happened last night was her worst nightmare coming true.

Tama ang mga magulang niya. Tama si Mommy niya—maraming beses sa buhay niya na pumalya siya sa pagkilala ng mga tao sa paligid niya. Madali siyang maawa, madaling kunin ang loob niya—para sa kanya kasi walang masamang tinapay. Naniniwala siyang gaano man kasama ang tao, may parte ng puso nito na mabuti pa rin. Pero gaya nga ng sabi ng Mommy niya, hindi lahat ng tao may kagaya niyang puso. Kailangan niyang matutunang maniwala sa unang instinct niya, pero paano kung una pa lang niyang tingin ay wala naman masama sa tao?

She sigh.

"I don't know, honestly..."

"Anong hindi mo alam? Diretsahin mo nga ako? Ano bang problema ng kapatid mo sa akin?"

"Nothing...can you give me some time to process, everything please..."

"Anong dapat e-proseso? Kung mahal mo ako, sana kaya mo akong ipaglaban. Yon lang naman yon."

ATHENA (Book 2: Siegfried & Athena) (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon