Author's Note: Ano? Magkikita na ba sila? Charooot! Tignan natin. 😊
*This is all fiction.
—
"Bro! Kumusta?""Brother! Long time no see. Anyway, on the way na sila Tita sa meeting place. Salamat sa pagsundo."
"Ako dapat magpasalamat, you flew all the way from Mindanao, the least I could do is to fetch you here. Kumusta na Bro! Sobrang tagal na natin di nagkita! Ano na ba balita? Halika, dito naka park ang sasakyan."
"Okay lang Bro. Ayon, wala talaga, stuck ako sa Bukidnon, pagkatapos nung graduation, kailangan ko umuwi nun diba? Kasi nga si Daddy pabalik balik ng hospital. After a year, ayon bumigay..."
"Sorry to hear that, bro."
"Salamat, okay lang. Ikaw kumusta na? I heard you take over your Dad sa pag manage ng company niyo? Sino yon bro?"
"Ah, security details bro, kailangan. Ikukwento ko mamaya sa'yo, stay ka muna dito sa Manila ng ilang araw, bro, catch up tayo...or sasama ka ba kay Auntie mo pagbalik nilang Baguio?"
"Depende, bro, kaya lang naman ako nandito kasi, para tulongan talaga si Tita doon sa pagbenta ng ranch, saka on vacation ang pamilya nila ngayon, sinusulit ang Pinas bago maka alis...saka I need to bring this paper na kailangan sa bentahan, sigurado na ba si Daddy mo na bibilhin niyo bro?"
"Yeah, formalities nalang to, pero decided na si Daddy. Mukhang magandang location naman eh."
"Oo, katapat lang nung sa amin, bro, so, paano ba? Hindi ka na makakahindi sa invitation ko niyan? Noon pa kita iniimbitahan pumunta sa bahay, oo ka lang oo, di mo naman tinutuloy, hahaha"
"Oo nga, bro, medyo na caught up talaga lately sa kompanya..."
"Kumusta kayo ni Amara?"
"Ayon, Bro, hiwalay..."
"Ano yan? Hiwalay na LDR? O hiwalay na hiwalay talaga? Hahaha ayosin mo bro, iniyakan mo yon! Hahaha"
"Hahaha, langya! Naalala mo pa talaga! I guess, both, we're giving each other's space pero constant naman ang communication. Hindi ko pa talaga alam bro kung kailan ko ma pa-prioritize ang personal kong buhay, ang dami kong hinahawakan sa company ngayon, tapos may personal na problema pang pinagdadaanan ang pamilya ko ngayon..."
"Mukhang mahaba habang usapan yan bro, over beer?"
"Oo ba! Stay ka muna dito, ilang araw lang, saka hagilapin natin si Toby, may balita ka ba don?"
"Last time I know nasa New Zealand nag migrate buong pamilya nila..."
"Tsk, hindi man lang nagparamdam ang tukmol na yon?"
"Masyadong busy na tayo sa kanya kanyang buhay but admit it, Harvard days were so much fun! Sarap lang balikan..."
"Oo nga eh, ano? Stay at my condo, inuman session tayo mamaya..."
"Game, bro! Di ka ba maiisturbo?"
"Hindi naman, Friday naman ngayon, weekend bukas so, walang trabaho, saka ano ka ba! Minsan nga lang tayo magkita, hindi ko sasayangin ang pagkakataon na nandito ka! Masyado ka kasing nag eenjoy sa bundok eh."
"Hahahaha gaya mo, I took over the ranch and other family business when my father died. Katulong ko nakakatandang kapatid ko...yong youngest naman namin, nag-aaral pa."
"That's good. How's your Mom."
"Ayon, she's doing well naman, bro, pero ayon naka wheelchair na si Mommy, nagkaroon ng heart attack nung ilang buwan pagkatapos nalibing si Daddy, akala ko nga susunod eh...she's doing a lot better now than the past year..."
"Sorry to hear that bro. Ang dami na palang nangyari, hindi ko man lang nalaman...tsk..."
"Walang problema, bro. How's Tito Rj and Tita Maine? Na miss ko sila..."
"Mom and Dad are doing fine, makikita mo mamaya, andon na sila sa Concha's naghihintay, kinukumusta ka nga ng mga yon..."
"Hahaha yong parents mong dala buong kalawakan, nag niningning ang mga bituin sa mga mata pag nagtitigan...hahaha"
"Still the same bro, still the same...hahaha"
"Walang kupas talaga si Tita at Tito..."
"May nakalimotan ka atang kumustahin bro? Si Athena hindi mo ba ako tatanongin kung kumusta na?"
"Luko ka Siegfried! Hahahaha halos habolin mo nga ako ng itak noon eh. Hahahaha"
"She's still pretty, bro...never been prettier, and I wonder kung may copy ka pa sa phone mo nung picture ng kapatid ko? Hahahaha"
"Langya! Sa tingin mo pagkatapos nung ginawa mo sa akin, gugustohin ko pang ilagay picture ng kapatid mo sa phone ko? Hahaha"
"Ba't namumula, bro? Hahahahahaha"
"Hahaha maganda naman kasi talaga..."
"Oo naman, kapatid ko kaya yon!"
"Hahaha angas mo pa rin Siegfredo! Hahaha"
"Aba Danielito! Wag ako! Hahahaha"
"Langya! Na miss ko bigla si Toby-bi! Hahahahahahaha"
"Ah, Harvard days! Kamiss!"
"Sinabi mo pa!"
"Here we are bro, andyan na ata sila Tita mo. Tara. Nasa loob na sila Mommy at Daddy.
"Let's go..."
—
Author's Note: I hope you take note of the details. Excited na ba kayo malaman bakit ganyan ang usapan ng mag-bro? Hahahaha may idea na kayo? Hahahahaha. Next chapter, maybe pagkitain ko na sila. Hahahaha*Pero, guyth, kinikilig ako! Excited ako for Athena! Hahahahaha 😍😊🥰
BINABASA MO ANG
ATHENA (Book 2: Siegfried & Athena) (On-Going)
FanficPlease read SIEGFRIED & ATHENA first. ATHENA MENDOZA FAULKERSON is a daughter of Richard Faulkerson Jr. and Nicomaine Dei Mendoza. She is the twin sister of Siegfried Faulkerson. Her father and brother love her to a fault. While she loves how her f...