Elijah
Nagising ako dahil mayroon akong naririnig na kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Inis akong tumayo habang kinukusot ang dalawang mata ko.
"Sandali lang!" sigaw ko bago dumiretso sa banyo upang magsipilyo at maghilamos.
Pagkatapos ay binuksan ko ang pinto pero wala namang tao sa labas kaya sinilip ko ang living room sa baba. Nakita kong nakaupo si Adi sa couch kaya bumaba ako. Lumingon siya sa'kin dahil narinig niya siguro ang yabag ng mga paa ko, nakangiti siya habang nakatitig sa'kin.
Nakasuot siya ng itim na polo shirt at grey short. Bagay sa kanya yung kulay itim, mas lalo siyang pumuputi tingnan tuwing dark color ang suot niya.
"Good morning." bati ko.
Tiningnan niya ang relo niya "It's already afternoon, Eli."
Ha!?
Agad na hinanap ng mata ko ang wall clock at 2pm na nga. OMG! Tanghali na pala! Nanood pa kasi ako kagabi ng KinnPorsche kaya 3am na ako nakatulog.
Napansin niyang nag-panic ako "4pm pa naman tayo magkikita-kita."
"Saan pala tayo pupunta mamaya?" Tanong ko.
Umupo ako sa tabi niya sa sofa. Sumandig naman siya doon at pumikit "Sa BGC, mag-iinuman yata."
"Dito ka lang ba muna?" tanong ko, tumango naman siya at ngumiti sa akin.
Tumayo ako "Sige, mag-aayos na muna ako. Manood ka na lang diyan sa Netflix kung gusto mo."
Naglakad na ako paakyat. Bago ako makapasok sa aking kwarto ay nakita kong kinuha niya ang remote at binuksan ang TV. Naligo ako, medyo malamig ang tubig pero kaya ko naman dahil napakalakas ko, eh.
Pagkatapos kong mag-asikaso ay agad akong bumaba. Nakita ko si Adi na nanonood ng All of Us are Dead habang yakap ang isang unan.
Walang pinagbago, takot pa rin.
Umupo ako sa tabi niya "Hindi ka niyan makakagat." pang-aasar ko.
Inirapan niya ako at hinila palapit sa kaniya. Naramdaman ko na magkadikit na ang chest part namin at dahil sa gulat ay hindi ako agad nakapag-react. Halos parang magkayakap na kami at amoy na amoy ko na ang pabango niya.
Dahil rin siguro sa gulat sa ginawa niya ay rinig na rinig ko ang mabigat niyang paghinga.
Mga ilang segundo bago ko ma-realize ang pangyayari kaya napabalikwas ako't umupo ng maayos. Napalingon ako sa kanya, nakita kong nakatitig siya sa'kin kaya napaiwas ako ng tingin.
Ang awkward! (>_<)
"U-um... Kumain k-ka na?" tanong ko upang maalis ang awkwardness sa pagitan namin. Tumango siya sa'kin at muling binaling ang atensiyon niya sa kaniyang pinapanood.
WOOOOHHHHH!!! JUSKO!!
"S-sure ka, ah?" paninigurado ko.
Muli siyang tumingin sa'kin "Kanina pa, Eli."
Tumayo ako "Okay, sige. Kain muna ako."
BINABASA MO ANG
Our Last Summer
RomanceElijah's family forced him to study medicine abroad. After he had finished his studies, he returned during the summer thinking about how to live out his dreams. But best friends who didn't see each other in a while will be reunited this summer. Is t...