Chapter 5

41 20 0
                                    

Elijah

Maaga akong nagising dahil masakit ang ulo ko. Siguro dahil sa hangover pero kaya ko naman. Bumangon ako't dumiretso sa rest room para maghilamos at magsipilyo.

Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba ako para mag-almusal. Nakita ko si Manang na nag-aasikaso ng mga pagkain sa 'mesa.

"Good morning, iho." nakangiting salubong sa'kin ni Manang.

Ngumiti rin ako't bumati "Good morning din po Manang."

Pinasabay ko na sila Manang sa pagkain sa 'mesa, nakakalungkot naman kasi kumain ng mag-isa. Although sanay naman na ako pero ayoko ko kasi yung feeling na super special ako rito sa bahay, 'yong tipong sila Manang palagi ang gagawa o kukuha ng mga gamit na gagamitin ko.

Nagtimpla ako ng kape para mawala ang hangover ko. Nang makatapos kaming kumain ay ako na ang nag-volunteer para maghugas. After kong mag-asikaso ng mga hugasin ay tumambay muna ako sa sala upang manood ng movie.

Habang nagscro-scroll ako sa Netflix ay naalala kong minessage ko pala si Theo kagabi. Tumakbo ako paakyat upang kunin ang cellphone ko.

Pagkakuha ko ay agad akong bumalik sa sala. Tiningnan ko kung may reply na siya sa'kin.

_elijah: Hi, nakauwi na kami.

thetheo: Hello Eli, okay. Keep safe po.

Napangiti ako.

Ang sweet mo naman!

Ngayon ko lang nabasa ang reply niya dahil nakatulog na ako agad kagabi.

_elijah: Good morning, sorry sa late reply. Nakatulog na kasi ako kagabi. :)

Binitawan ko ang phone ko't nag-focus sa pinapanood ko. Mahilig ako sa mga horror at thriller films, kabaliktaran naman ng gusto ni Adi dahil matatakutin 'yon.

Maya-maya pa ay nagulat ako ng may gumulo sa buhok ko mula sa likod kaya inis akong lumingon. Nakita ko si Adrian na ang nakangiti ng pagkalawak-lawak. Inirapan ko siya.

Aga-aga nang-iinis na naman!

Napanguso siya "Ang aga-aga napakasungit mo!" ganiyan palagi ang linya niya tuwing sinusungitan ko siya. Akala mo palaging inaapi, eh. Hindi ko siya sinagot at muling nag-focus sa movie na pinapanood ko.

Umupo siya sa tabi ko't pinagmasdan ako ng matagal, anong problema nito? Parang 'di naturukan ng anti-rabies, eh.

Tinaasan ko siya ng kilay "Anong problema mo?"

"Pahiga ako sa lap mo."

Napakunot ang noo ko "Wala ka bang kama para pumunta ka dito't humiga sa hita ko? Anong akala mo sa'kin? unan?" pero 'di niya ako pinakinggan at isiniksik ang ulo niya sa lap ko. Since wala na akong magagawa ay hinayaan ko na lang na makahiga siya.

"Horror pala pinapanood mo... tulog na lang ako." sabi niya habang nakaharap sa tv.

Ay wow, parang dapat mag-adjust ako?!

Our Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon