Elijah
Huminto kami sa isang bahay. Nakakamangha dahil napakaganda ng disenyo nito. Simple lang at maaliwalas sa paningin. Sakto lang ang laki nito, hindi katulad ng bahay nila sa tabi namin.
Bumaba si Adi sa sasakyan at binuksan ang nakakandadong gate. Binuksan niya ito dahil ipapasok niya yata sa parking lot ang kotse. Pagbalik niya sa sasakyan ay pinaandar niya ito at pinasok.
Pinatay niya na ang makina ng sasakyan at lumabas kaya bumaba na rin ako ng kaniyang sasakyan "Hindi ko alam na bahay pala kayo rito sa Tagaytay."
Sumulyap muna siya bago dumiretso sa naka-lock na pinto upang buksan ito "Bahay ko 'to."
Ha?!
"May sariling bahay ka na!?" gulat na gulat na tanong ko sa kaniya.
Bumukas ang pinto ng bahay "Pasok..."
Sinunod ko siya kaya ako ang naunang pumasok sa loob. Binuksan niya ang ilaw na siyang nagpakita sa'kin kung gaano kaganda ang loob ng bahay niya. Napakasarap sa mata dahil sobrang linis nito. Aesthetic din ang mga kulay ng mga kagamitan.
Umupo ako sa sofa "Kailan ka pa nagkaroon ng sariling bahay?" tanong ko.
Sinara niya muna ang pinto bago ako sinagot "Noong nakaraan taon lang. Galing 'to sa naipon kong pera sa pagtratrabaho."
Bahagya akong nagulat sa sinabi niya. Nagtrabaho siya?
Umupo siya sa tabi ko at ipinatong niya ang kaniyang mga paa sa lamesa "Nagbarista ako dati sa bar ng kaibigan ko noong pinalayas ako ni Daddy sa bahay."
Pinalayas siya? Bakit?
Gusto ko mang itanong sa kaniya kung anong nangyari ngunit may parte sa'kin na nagsasabing 'wag na lang. Baka kasi masyadong pribado ang rason kung bakit siya pinaalis sa bahay nila at ayokong makialam.
Tinitigan niya ako.
"Bakit?" tanong ko dahil seryoso ang ekspresiyon niya habang nakatitig sa'kin.
Bigla niyang iniwas ang kaniyang paningin at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa "Magluluto muna ako ng pagkain natin."
Iniwan niya akong nagtataka sa living room. Medyo weird siya sa part na 'yon.
Tumayo ako't inikot ang aking tingin sa kabuohan ng bahay. Napukaw ang aking atensiyon ang mga litratong nakapatong sa cabinet. Lumapit ako para tingnan ng malapitan ang mga litratong nakalagay doon.
Puro litrato ni Adrian ang naroon, simula pagkabata hanggang sa edad niya ngayon.
Akalain mo 'yon napakacute pala ni
Adi noong bata pa... ngayon kasi... ewan ko ba, pinaghalong kagwapuhan tapos kaasiman ang taglay niya."Anong ginagawa mo riyan?"
Nagulat ako't napalingon sa kaniya. Nakapamewang siya habang tinataasan ako ng isang kilay. Hawak niya pa ang sandok habang tinuturo ako.
Inirapan ko siya "Nagnanakaw." inis kong sagot.
Naglakad siya palapit sa'kin "Sumasagot-sagot ka pa." parang nanay niyang pangaral sa'kin.
Problema mo?
Bigla niyang kinurot ang pisngi ko. Hindi naman ako nakarandam ng sakit dahil mahina lang naman ang pagkakakurot niya sa'kin.
Tiningnan ko siya ng masama. 'Yong titig na parang papatay ako ng tao anytime. Agad niya itong inaalis at ngumiti sa'kin ng nakakaloko.
Aba... nang-aasar pa nga.
"Doon ka na ulit sa kusina! Pakialamero ka!" Singhal ko.
Tumawa pa siya bago niya ako ginaya "Doon ka na ulit sa kusina! Pakialamero ka! Nyehihohahiiii." dumila-dila pa siya sa'kin.
Mapang-asar talaga...
Kusang tumayo ang dalawang gitnang daliri ko sa kaniya kaya nanlaki ang mata niya noong makita niya ang ginawa ko.
Inirapan niya ako bago siya pumunta sa kusina. Bumalik ako sa sofa at kinuha ang telepono ko sa aking bulsa. Naka power off ito kaya binuksan ko.
Pagkatapos nitong mag-on ay tumambad sa aking screen ang napakaraming messages sa hindi ko kilalang numero. Agad ko itong binasa.
From: 099067*****
Eli, nasaan na kayo ni Adrian?
Please leave a message kapag nakauwi na kayo ni Adrian.
Okay ka lang ba diyan?
May emergency daw kayo? Please take care of yourself, Eli.
Usap tayo bukas.
Wala mang pangalan na nabanggit sa mga mensahe ngunit kilalang-kilala ko na kung sino ang nagpadala ng mga ito.
Theo...
Nakatitig lang ako sa mga mensaheng pinadala niya. Ang taging alam ko lang ay nasasaktan ako.
Pinatay ko ang aking telepono. Ayoko muna siyang kausapin. Sariwa pa ang kirot at sugat na naibigay niya sa'kin kanina. Alam kong wala siyang kasalanan at dapat kong isisi sa aking sarili ang lahat.
Napasapo ako sa aking mukha. Ramdam ko ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.
"Tara kain n-----" rinig kong sigaw ni Adi nula sa kusina ngunit naputol ito. Alam kong nakita niya ang itsura ko ngayon, nakayuko at tila pinagsakluban ng langit at lupa.
Naramdaman ko ang pagtabi niya sa'kin sa sofa dahil sa bahagyang paglubog nito. Hinawakan niya ang aking likod at dahan-dahang hinagod ito.
Dahan-dahang dumaloy sa aking mga mata ang mga luhang kanina pang nagbabadya. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin din siya at isubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib.
Tanging paghikbi ko ang maririnig sa bawat sulok ng bahay na ito. Gusto ko mang tumigil kakaiyak pero wala akong magawa.
Noong tumahan na ako ay bigla siyang nagtanong "Tissue?"
Tumango ako dahil 'yong sipon ko parang tutulo na rin. Baka isipin ni Adi napakadugyot ko.
Bumitaw siya mula sa pagkakayakap ko at tumayo para kumuha ng tissue. Naiwan akong nakaupo sa sala habang tulala sa kawalan.
Agad siyang nakabalik habang dala-dala ang isang box ng tissue na inaalok niya sa'kin. Binigay niya ito sa'kin kaya kinuha ko naman at ginamit.
"Anong gusto mong gawin ko?-----" biglaang tanong niya ngunit pinutok niya ito kaya nabaling ang tingin ko sa kaniya "Para mawala na 'yang sakit na nararamdaman mo."
Tinitigan ko siya. Wala naman siyang dapat na gawin, sapat na ang pakikinig niya at pagdamay sa akin. Masaya na akong may taong nakikinig sa mga problema ko.
"Inom tayo." sagot ko sa kaniya. Bahagya pa siyang natigilan bago tumango sa akin.
"Kain muna tayo bago uminom." ani niya.
Tumango ako at ngumiti. Nakita ko ring ngumiti siya bago tumayo "Kuha lang ako ng pagkain. Dito na tayo kumain sa sala. Diyan ka lang, ah. Tama na ang pag-iyak." bilin niya sa'kin.
Ngumiti siya sa'kin.
Thanks for everything, Adi.
BINABASA MO ANG
Our Last Summer
RomanceElijah's family forced him to study medicine abroad. After he had finished his studies, he returned during the summer thinking about how to live out his dreams. But best friends who didn't see each other in a while will be reunited this summer. Is t...