Elijah
On that day I felt loved, cared, and appreciated. Hindi ko lubos akalain na mahal din ako ni Theo. Lahat ng sakit ay biglang napawi. Iba pala talaga kapag mahal ka ng taong mahal mo, pakiramdam ko'y ako na ang pinakamasaya at pinakamasuwerteng lalaki sa buong mundo.
Naaalala ko pa kung paano dumampi sa akin ang malambot niyang labi at kung paano niya hinawakan ang aking pisngi upang mas idiin ang halik. Napakasarap sa pakiramdam. Isang alaala na hinding-hindi ko makakalimutan.
Isang linggo na ang nakaraan simula noong ligawan ako ni Theo. Pakiramdam ko tuloy ay na sa'kin na ang lahat pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay na palagi ko siyang katabi at kasama. Naninibago ako.
Tinitigan ko siya habang nasa mahimbing na pagkakatulog. Gusto kong sulitin ang oras na ito para titigan ang lalaking pinakamamahal ko. Napakaganda ng mata niya, sobrang tangos ng kaniyang ilong, at tila rosas ang kulay ng kaniyang mga labi.
Nagulat ako nang bigla siyang dumilat at ngumiti sa'kin "Ikaw ah, 'lagi kang nagnanakaw ng tingin sa'kin." Hinila niya ako pahiga sa kama. Niyakap niya ako na mas lalong ikinahiya ko. Isinubsob ko ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Amoy na amoy ko ang kaniyang pabango.
"I like you, Eli." pabulong na sabi niya sa pinakamalambing na tono. Labis na bumilis ang tibok ng aking puso. Tila may mga nagkakarerang mga kabayo dahil sa bilis nito. Labis na pagmamahal ang nararamdaman ko, pakiramdam ko'y gustong sumabog ng dibdib ko. Hindi ako nakasagot. Nanatili akong nakasubsob sa kaniyang dibdib habang nakangiti. Napaka lambing ng lalaking 'to. Hindi ko kinakaya.
"Sorry kung ngayon lang ako, Eli. Pinaghintay kita ng matagal." sabi niya na siyang ikinagulat ko. Inangat ko ang paningin ko sa kaniya at tinitigan siya sa mata. Ganoon din naman ang ginawa niya.
Ngumiti ako "Ayos lang 'yon."
Ngumiti rin siya bilang pag-tugon. Ngunit dahil nahihiya akong titigan siya ay yumuko ako at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Naging ganoon ang posisyon namin sa kama ng ilang minuto. Bumalot ang katahimikan sa'ming dalawa. Ngunit napagdesisyunan kong basagin ito dahil may isang bagay akong gustong itanong sa kaniya.
"Theo..." tawag ko sa kaniya. Nanatili akong nakayuko.
Lumuwag ang pagkakayakap niya sa'kin "Po?"
Inangat kong muli ang aking paningin at diretso siyang tinitigan sa kaniyang mga mata. Napakaganda talaga ng kaniyang mga mata. Ngumiti siya sa'kin habang paulit-ulit na itinataas-baba ang kaniyang dalawang kilay.
Cute.
"Bakit ako?" seryosong tanong ko sa kaniya pero nanatili pa rin siyang nakangiti. Walang halong bahid ng pagkagulat sa ibinato kong katanungan sa kaniya.
Hinawakan niya ako sa aking pisngi na siyang gumawi sa aking buhok. Hinawi niya ang mga hiblang nakaharang sa aking mga mata. Pakiramdam ko'y nakukuryente ako sa ginagawa niyang paghamlos sa'king balat. Mabuti na lang ay agad niya rin itong tinigil.
"Simple lang, dahil ikaw lang ang nakapagparamdam sa'kin ng ganito." napangiti ako dahil sa kaniyang sagot "Maniwala ka man o hindi, Eli. Hindi ko alam kung kailan pa 'to nagsimula. Itong nararamdaman ko sa'yo. Basta ang alam ko lang palagi kitang hinahanap, gusto kitang makasama pero pinipigilan ko dahil hindi ko agad matanggap ang malaking pagbabago sa'kin. Ngunit wala akong magawa, sa'yo ko 'to naramdaman, eh. Hindi ko na kayang pigilan." dagdag niya. Dahan-dahang lumabo ang aking paningin, alam kong maya-maya ay tuluyan nang dadaloy sa aking mga pisngi ang kanina pang nagbabadyang mga luha.
Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit. Maging siya ay niyakap din ako. Naramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo. Ganiyan siya palagi. Sa totoo lang, mas gusto ko ang halik sa noo dahil para sa'kin ay nagpapakita ito ng respeto't pagmamahal.
Unti-unting bumigat ang talukab ng aking mga mata. Mabagal ang naging pagpikit ng aking mga mata. Nanatili sa'king mga labi ang ngiting nagpapakita ng labis na saya't tuwa. Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa ganito. Lahat gagawin ko para hindi mawala 'to.
*****
Ilang linggo ko ng hindi nakikita si Adrian. Naisip kong bisitahin siya ngayong araw. Ngunit pagdating ko sa kanilang bahay ay tanging si Manang lang ulit ang aking nadatnan. Anong nangyari do'n? Napansin ko kasi na simula noong araw na tinulungan niya ako kay Theo ay hindi na siya nagparamdam sa'kin. Hindi ko alam kung may mali ba akong nagawa o busy lang siya. Kung mayroon man, hindi ko alam kung ano 'yon.
Bumalik ako sa bahay ng may bigat sa dibdib. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay hinahanap ko ang presensya ni Adrian. Tila hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakakasama. Umakyat ako ng aking kuwarto at padapang humiga doon. Naiinis ako. Pakiramdam ko kasi talaga ay mayroon kaming problema.
Tumihaya ako at ginawang unan ang aking mga braso. Nag-iisip. Napapatanong. Nalilito. Naguguluhan. Nalulungkot. Mga pakiramdam na ayokong maramdaman ngunit nararamdaman ko ngayon dahil kay Adi.
Tumunog ang aking telepono kaya bumangon ako at kinuha iyon sa ibabaw ng aking cabinet. Nakita ko ang text message sa'kin ni Theo. Binasa ko 'yon.
From: Theo
Good morning, Eli. Rise and shine po. Susunduin po kita sa bahay niyo ng 2pm, may pupuntahan po tayo. See you later, cutie pie.
Napangiti ako. Sa ilang linggong nagdaan ay hindi pa rin nagbabago ang paraan ng pagtrato niya sa'kin. Napakasuwerte ko talaga sa kaniya. Sobrang bait niya at maalaga. Boyfriend material kumbaga. Nag-message ako sa kaniya pabalik.
To: Theo
Okay po. See you later, Theo.
Napangiti ako at inilipag muli ang aking telepono sa ibabaw ng cabinet. Kumuha ako ng roba at naligo. Lampas isang oras ang tinagal ko sa loob ng cr, gusto kong maging malinis at mabango mamaya dahil aalis kami ni Theo.
Suot ko ang roba ng lumabas ako sa balcony ng aking kuwarto. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakita ko si Adrian sa balcony ng kuwarto niya. Nagkatitigan kaming dalawa. Walang bahid ng anumang emosyon ang kaniyang mata. Matamlay at namumutla siya. Gusto ko sana siyang kausapin pero walang lumabas na salita sa aking bibig. Bigla niya akong tinalikuran at iniwan doong nakatulala sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Our Last Summer
RomantizmElijah's family forced him to study medicine abroad. After he had finished his studies, he returned during the summer thinking about how to live out his dreams. But best friends who didn't see each other in a while will be reunited this summer. Is t...