Theodore
Nagulat ako sa biglang pag-alis kanina nila Eli. Ilang minuto rin namin silang hinintay kanina pero nag-message sa'kin si Adrian na may emergency daw sila kaya kailangan nilang umuwi.
Naguguluhan ako sa tingin na ibinigay sa'kin kanina ni Elijah. Ayokong isipin na iba ang ibig sabihin ng titig niya na 'yon.
Kumain muna kami nila Hera sa restaurant bago umalis ngunit hindi maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Habang nagmamaneho ako ay tila patuloy na lumilipad ang aking isipan.
Bumalik ako sa katinuan noong magulat ako sa pasigaw na tawag sa'kin ni Hera "Adrian!"
Agad kong tinigil ang aking sasakyan sa gilid ng daan. Napasapo ako sa aking mukha at ipinatong ang aking noo sa manibela.
Fuck!
"Are you listening to me?" ramdam ko ang inis niya sa paraan ng pagtatanong niya sa'kin. Hindi ko siya nagawang sagutin.
"Ang dami-dami ko ng sinabi pero you didn't pay attention, Adrian." dismayado niyang sabi.
"I'm sorry..." ang mga natatanging salitang nausal ko.
Naramdaman ko ang pagdampi ng kamay niya sa likod ko "Tell me, what's wrong?"
Hindi ko rin alam.
Inangat ko ang paningin ko at ngumiti sa kaniya "I'm fine."
Nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha kaya niyakap ko siya "Pagod lang ako. Promise, okay lang ako." hinalikan ko siya sa noo.
*****
Nakarating na kami sa tapat ng mansion nila Hera. Bumaba siya sa kotse at ngumiti sa'kin bago kumaway. Palantandaan na papasok na siya sa loob.
Ngumiti rin ako at kumaway sa kaniya bilang pagtugon. Naging tahimik ang byahe namin dahil sa nangyari kanina sa sasakyan. Hindi ko rin talaga alam kung anong problema. Siguro wala lang ako sa mood.
Tiningnan ko ang aking telepono, wala pa ring reply sa'kin si Eli. Nasaan kaya siya? Hindi rin siya nagpaalam sa'kin paalis.
Binasa ko ang mga messages na sinend ko sa kaniya kanina. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang pag-aalala ko sa kaniya kanina. Para ko na kasi siyang kapatid, eh. Ayokong may mangyaring masama sa kaniya.
Dahil hindi ako mapakali ay napagdesisyunan kong pumunta sa bahay nila Eli upang tingnan ang kaniyang kalagayan. Hindi kasi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman kung ayos lang ba siya.
Nagpapadala rin ako ng mensahe kay Adrian pero tulad din ni Eli, hindi na rin siya nag-rereply sa'kin. Ang alam ko kasi ay magkasama sila paalis.
Kalahating minuto ang byinahe ko para marating ang tapat ng bahay nila Eli dito sa Jardiñoza Subdivision. Bumaba ako ng sasakyan at tumayo sa kanilang gate.
Matagal bago ko napagdesisyunang nag-door bell sa kanilang gate. Ilang segundo rin ang tinagal bago lumabas ang isa sa mga katulong nila.
"Sino po sila?" tanong nito sa'kin.
Ngumiti ako bago tumugon sa kaniya "Hello po, I'm Theo po. Kaibigan po ako ni Elijah. Puwede ko po bang malaman kung nakauwi na ba siya?"
Bahagya pa siyang napaisip "Ah... Sir, hindi pa po umuuwi si Sir Elijah dito, eh."
Hindi pa?
Akala ko ba may emergency sa bahay nila Eli?
Pilit akong ngumiti kay Ate "Ahh, gan'on po ba."
Tumango-tango pa siya "Opo, eh."
"Pwede po bang 'wag niyo ng sabihin ba pumunta ako rito."
Bahagya pa siyang nagulat "A-ah, okay po, Sir."
Ngumiti akong muli "Okay, thank you po. Alis na po ako." paalam ko bago pumasok sa aking sasakyan.
Kinuha ko ang aking telepono at nagmessage kay Eli.
to: Eli
Usap tayo bukas.
Nilagay ko ang aking telepono sa tabing upuan ko at umalis na sa tapat ng kanilang bahay.
*****
Elijah
Nandito pa rin ako sa bahay ni Adi. Pinagmamasdan ko ang kalangitan sa kaniyang terrace. Mabigat ang panahon ngayong araw, kitang-kita sa mga nag-iitimang mga ulap ang nagbabadyang pag-ulan.
Parang ako... mabigat ang nararamdaman ngayon.
Bumalik ako sa kama at humiga. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Pumikit ako at sinubukan muling matulog.
Maya-maya ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kuwarto kaya dumilat ako. Niluwa noon si Adrian na nakaboxer shorts lang. Basang-basa rin ang kaniyang buhok.
Napaiwas ako ng tingin.
"Eli."
"O-oh?" tugon ko.
Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siyang muli. Nakatalikod siya sa'kin. Kitang-kita ko ang hulmado niyang katawan dahil ang pagkakaalam ko'y nag-gygym siya.
"'Wag mo ako masyadong titigan." biglang sabi niya na ikinagulat ko ng sobra.
"P-paano mo-----a-ang kapal naman ng mukha mo! H-hindi kita tinititigan, ah!" singhal ko.
Humarap siya sa'kin, nakita ko na naman ang nakakaloko niyang ngiti.
Kaasar!
"Wala namang problema sa'kin pero 'wag mo naman masyadong ipahalata, Eli."
Pumasok siya sa walk in closet niya at iniwan ako doong nakanganga.
Ang hangin!
Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo ko sa aking mukha. Ikaw ba naman may ganitong klaseng kaibigan na ubod ng feelingero, sinong hindi maiinis diba?
Maya-maya pa ay lumabas siya suot-suot ang kulay puting sando at ang boxer na gamit niya rin kanina.
Umupo siya sa tabi ko habang nagpupunas ng kaniyang buhok na kasalukuyang basa. Nakatitig siya sa'kin habang ginagawa 'yon kaya iniwas ko ang aking paningin.
Napunta ang aking atensiyon sa umiiyak na kalangitan. Bagay na bagay sa nararamdaman ko ngayon. Para akong isang maitim na ulap na napakaraming dinadalang ulan at problema.
Sad boy era ko na.
Sinara ko ang sliding door ng terrace ni Adi at agad na bumalik sa pagkakaupo sa kama habang pinagmamasdan ang malakas na ulan.
"Eli."
"Bakit?" tugon ko sa kaniya habang patuloy na nakatitig sa labas.
"Hindi tayo puwedeng umuwi ngayon."
Napalingon ako sa kaniya ng may gulat na gulat na ekspresiyon. Bakit hindi puwede? Kailangan ko ng umuwi. Baka hinahanap na ako.
Naintindihan niya naman siguro ang ekspresiyon ko kaya agad niyang pinaliwanag kung bakit "May bagyo kasing paparating. Mag-laland fall mamaya at dadaanan tayo nito." tumayo siya "We can't put us in danger para lang nakauwi tayo sa Manila."
Pumasok siya sa rest room pagkatapos niyang sabihin 'yon at naiintindihan ko ang punto ni Adi. We can't risk our lives just to get home.
Kinuha ko ang aking telepono sa ibabaw ng cabinet at binuksan ito. Tiningnan ko ang messages, wala namang bago. Ang last na message pa rin sa'kin ni Theo ang bumungad sa'kin.
Usap tayo bukas.
Muling pagbasa ko sa huli niyang mensahe. Ngunit nagulat ako ng mag-ring ang aking telepono at lumabas ang numero ni Theo.
Please, Theo. 'Wag ngayon.
BINABASA MO ANG
Our Last Summer
RomanceElijah's family forced him to study medicine abroad. After he had finished his studies, he returned during the summer thinking about how to live out his dreams. But best friends who didn't see each other in a while will be reunited this summer. Is t...