Chapter 3

33 20 0
                                    

Elijah

Napansin kong wala na sa mood si Adrian simula noong dumating kami rito sa bar. Humiwalay din siya sa'min ni Theo kaya kanina ko pa siya hindi nakikita.

Nasaan ka na bang hunghang ka?

"Hanapin ko muna si Adi, Theo." Sabi ko kay Theo habang tumitingin sa paligid, nagbabakasakaling makita ko siya.

"Sige, samah-----"

Tumingin ako sa kanya bago ngumiti "Ako na lang, bantayan mo na lang diyan. Baka bumalik bigla 'tapos wala tayong dalawa."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita ulit hinanap ko na si Adi sa bar. Bawat sulok ng bar ay tiningnan ko na pero wala akong nakitang Adrian.

Papunta ako sa CR dahil naiihi na ako pero laking gulat ko ng makita ko si Adrian sa gilid ng daan na nakikipaghalikan sa isang babae. Kitang-kita ko ang gigil nila sa kanilang ginagawa. Hindi ko alam ang gagawin ko at hindi rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lumingon sa gawi ko si Adrian, kita ang gulat sa reaksiyon niya. Nagulat ako ng itulak niya ang babae para mapalayo sa kanya.

"What's wrong!?" Galit na sigaw sa kaniya ng babae.

Nilampasan ko silang dalawa at dumiretso papunta sa CR. Hindi ko alam kung anong nangyari sa'kin. Hindi siguro ako sanay na makakita ng ganoon o baka dahil nakainom ako.

Tama, dahil nga 'to sa ininom namin.

Parang nawala ang ihi ko kaya naghilamos ako sa sink. Biglang pumasok si Adrian na akala mo'y may hinahabol. Tiningnan niya ako, habang tinitigan ko siya sa salamin.

Gumegewang siyang naglakad palapit sa'kin kaya agad ko naman siyang inalalayan.

Parang zombie si gago.

Inakay ko siya pabalik sa puwesto namin. Nang makita kami ni Theo ay agad naman niya akong tinulungan.

"Anong nangyari?" tanong niya sa'kin.

"May tama na 'ata." sagot ko sa kanya.

Hiniga namin siya sa couch. Umupo ako sa bandang uluhan niya habang si Theo naman ay tumabi sa'kin. Nagulat ako ng biglang ilagay ni Eli ang ulo niya sa kanang hita ko.

Wala naman na akong nagawa, nakahiga na siya, eh. Baka sabihin niya masama akong kaibigan.

Ganito ba talaga siya palagi uminom? Parang walang bukas, eh.

Tingnan ko siya ng maigi sa mukha. Akalain mo 'yon, mukha rin palang anghel 'to matulog kahit na mukhang na uulol na demonyo makipaghalikan kanina. Hindi niya nga 'ata kilala 'yong babaeng 'yon, eh.

"Ayos ka lang?" biglang tanong sa'kin ni Theo kaya napalingon ako sa kanya.

"Oum..." tumango ako at tinungga ang black label na nakalagay sa baso ko.

"Hindi ka pa ba tinatamaan?" seryosong tanong niya sa'kin.

Wow may care siya sa'kin!

Ngumiti ako "Oo naman. 'Di pa ko lasing, promise."

Mataas ang alcohol tolerance ko kaya hindi ako madaling malasing. Sanay rin kasi akong uminom dahil 'laging ganito ang hang out namin ng friends ko sa US.

Our Last SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon