Chapter Five

4.8K 81 4
                                    

"Mare, ang gwapo nito. Fresh na fresh. Mukhang bata pa," kalabit ni Dana sa kanya. Halatang kinikilig ito ng mga oras na iyon.

"Heh! Kanina lang ay si Sam ang bukambibig mo. Ilang oras pa lang, nagbagong-puri ka na."

Sa kanilang dalawa, si Dana talaga ang noon pa ay matinik ang mga mata sa gwapo. Pero hanggang tingin lang ang ginagawa nito. Hindi niya alam kung bakit kayang-kaya naman nito'ng mag-boyfriend ay hindi nito ginagawa. Ang sabi ni Dana, mas masarap magpayaman kaysa mag-boyfriend.

Napalingon ulit silang lahat nang magsalita ang lalaki.

"I'm Mac Lizalde. It's a pleasure to work with everyone. I'll do my best to bring the team to the top."

Buong-buo ang tinig ni Mac na umalingawngaw sa buong silid. Pagkatapos ay ngumiti ito, showing a set of perfect white teeth. Lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi.

Napahawak si Lalah sa dibdib niya ng wala sa oras. Gano'n na gano'n ang pakiramdam niya nang una siyang mangitian nito sa supermarket. Sigurado siya na tinamaan na rin ng pana ni Kupido ang mga officemates niya. Hindi nga siya nagkamali. Narinig niya ang impit na tilian ng mga officemates niya sa likuran niya. Pati na rin ang paimpit na tili ni Dana sa tabi niya kasabay nang paghila ng blouse niya.

"Lalah! Dawn has finally arrived!" bulalas nito sa tabi niya.

Hindi naman mapasubalian ni Lalah ang sinabi ni Dana sa tabi niya. Nang ngumiti si Mac ay parang natapos na ang takipsilim sa buhay niya. Parang nagkaro'n ng bagong liwanag ang opisina na iyon. Para na naman siyang isang teenager na konting silay lang sa crush ay humahagikhik. Dahil sa puntong iyon ay parang gusto niyang humigikhik kasama nila Dana.

Nang mapatingin ulit si Lalah sa gawi ni Mac ay nagulat siya nang ngumiti ito sa kanya. She felt her cheeks burning up. Nakilala na ba siya kaagad nito?

Mabilis tuloy niyang iniwas ang paningin dito. Mahirap na. Mabuti na iyong hindi siya maalala nito. Pwede pa siyang gumawa ng first impression. Hindi katulad nung palpak na pagkikita nila sa supermarket.

Sa naisip ay napangiti si Lalah. May bago na naman pala siyang pagkakaabalahan nito'ng mga susunod na buwan.

***

Natigil ang pagdampot ni Lalah ng tinidor nang makita ang mangkok ng chopsuey sa tray niya. Kasalukuyan siyang nasa pantry at magla-lunch. Napasimangot siya at dagling lumingon sa likuran niya. Nakita niya si Sam na nakapila sa may bandang likod.

Kinuha niya ang mangkok ng chopsuey mula sa tray at itinaas sa harap nito.

"Did you put this on my tray?" inis na sabi niya. Hindi naman siya mahilig kumain ng gulay. Mas gusto niyang kumain ng karne.

Inagaw sa kanya ni Sam ang mangkok ng gulay at ibinalik sa tray niya.

"Kumain ka ng gulay. Para kang bata, kailangan laging pagsabihan," angil nito.

"Hindi ako kabayo."

"You and your stubbornness," nakapameywang pa na sabi ni Sam. "Hindi mo ba alam na maganda sa balat ang gulay? Kaya marami kang wrinkles, eh. Tingnan mo." Hinawi pa nito ang buhok niya at hinawakan ang gilid ng mga mata niya.

Nang mapadaiti ang daliri ni Sam sa balat niya ay nagulat siya nang makaramdam ng tila kuryente na dumaloy sa katawan niya. Nagulat siya at dagling napatalon paatras.

"Hey, Lalah, watch out!" Dagli ring sigaw ni Sam. Tinangka pa siya nitong hawakan.

Pero huli na ito. Nadali na ni Lalah ang isang mataas na shelf na may mga laman na mga tinapay at mga sitsirya. Nahulog lahat ng iyon sa ulo niya kasabay nang pagkatapon ng mga laman ng tray niya sa damit niya. May sabaw pa naman ang mga ulam sa tray. Pakiramdam niya na nagmukha siyang busabos sa hitsura niya.

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon