Chapter Fourteen

3.6K 75 0
                                    

Padabog na ibinaba ni Lalah ang tray ng pagkain sa lamesa sa canteen. Wala na siyang pakialam kung nag-echo sa buong lugar ang malakas na kalampag ng tray at napatingin lahat ng tao sa kanya. No one dared come close to her at the mood she was in. May tingin pa siya na may lumalabas na itim na usok mula sa katawan niya ng mga oras na 'yon.

"That jerk!" asar na sabi niya habang ngininguya ang tinapay na kinakain niya.

Kapag naaalala niya ang pang-iinis ni Sam sa kanya ay umiinit na naman ang ulo niya. Sinunod-sunod niya ang kagat sa tinapay na hawak-hawak niya.

Kaya lang, sa bilis nang pagnguya at paglunok niya ay nabulunan siya. Mabilis niyang kinuha ang bote ng softdrinks sa mesa at tinungga ang kalahati niyon. Medyo nagtubig pa ang mata niya dahil sa carbon dioxide ng softdrinks.

Ilang sandali pa ay narinig niyang may humila ng upuan sa tabi niya.

"Bawal umupo diyan," mataray na sabi niya.

"Sorry," hinging-paumanhin ng tao sa tabi niya.

Mabilis niyang nilingon ang tao sa tabi niya nang makilala niya ang tinig nito. Si Mac ay alanganing ngumiti sa kanya.

"Hello, Lalah." A tight smile appeared on his lips.

"M-mac..." sandali na niyang nakalimutan na may problema nga pala siya kay Mac dahil ang buong atensyon niya ay nasa hinayupak na si Sam. "No, it's okay. Sit down."

Umupo ito sa harap niya at sinimulan ding kainin ang pagkaing dala-dala nito. Siya naman ay hindi na naman makatingin dito nang maayos. Panaka-naka ay napapasulyap siya kay Mac sa pagitan nang pagnguya.

Habang tinititigan niya ito ay naiisip niyang tama nga si Sam. Mac was young and very handsome. Hindi iilan sa mga babae sa opisina na galing pa sa iba't-ibang departments ang nagtataas ng kilay sa kanya kapag nakikita siyang nilalapitan ni Mac. Napapaisip tuloy siya kung ano'ng meron sa kanya at siya pa ang nagustuhan nito.

Hindi kaya nang-ti-trip lang si Mac sa kanya?

Marahil ay napansin ni Mac na tinititigan niya ito kaya tumaas ang kilay nito sa kanya. "May gusto ka'ng itanong sa'kin?"

Umiling-iling siya at itinuloy ang pagkain niya. Pero napapasulyap na naman siya dito kahit ano'ng pigil niya.

"What is it, Lalah? You can ask me anything," Mac supplied for her.

Tuluyan na niyang ibinaba ang pagkain niya at lumunok nang maraming beses. Inipon niya pa muna ang lahat ng lakas ng loob na meron siya para lang matanong ito.

"I'm just curious," mahinang sabi niya. "What did you like about me?"

Kumunot ang noo ni Mac at tila amused na amused na tumingin sa kanya.

"What do you mean? Hindi kita pwedeng magustuhan?" nangi-ngiting tanong nito.

Tumango-tango siya. Nang bigyan siya nito ng kakatwang tingin ay nagpaliwanag siya.

"I mean, look at me. I'm ordinary. I'm older than you. Maraming mas bata at mas magaganda dito sa opisina. Hindi rin ako sexy kaya alam ko'ng hindi katawan ko ang habol mo sa'kin. Hindi rin ako matangkad. I couldn't even start a simple conversation with you." Pagkatapos ay pinasadahan niya ito ng tingin. "And then, look at you. You clearly have everything going well for you. You're handsome and very likeable. Kahit sino ay hindi kukurap kapag niyaya mo silang lumabas kasama ka."

"Except you," pagtatapos ni Mac para sa kanya.

Sumandal ito sa upuan at sumeryoso ang mukha nang tumingin sa kanya. Hindi alam ni Lalah kung ano'ng iniisip ni Mac ng mga sandaling iyon. Hindi na lang siya umimik dahil hindi rin naman niya alam kung ano ba ang tamang sabihin kay Mac nang mga sandaling iyon. Makalipas ang mahabang sandali ay nagsalita ulit ito.

"I like you because you're different. I like your quirkiness, your carefree attitude towards everything. Gusto kita to the point that I smile everytime I think of you. Hindi ko rin alam kung bakit ikaw gayong sabi mo nga ay madami namang iba. But it's you, Lalah. I don't want to be with anyone else if you'll have me," he said very gently.

Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi ni Mac sa kanya. Kahit sino sigurong babae, kapag sinabihan ng gano'n ay parang tutubuan ng pakpak at lilipad.

"Ikaw lang ang gusto ko, Lalah. It's your hand I want to hold when I walk down the aisle on my wedding day..."

That stunned her again. Naiinis na siya dahil sa dinami-dami ng pagkakataon na maaalala pa niya ang sinabi ni Sam sa kanya noong mga bata pa sila ay sa panahon pang kaharap niya si Mac. Bakit kaya ayaw pa siyang lubayan ng multo ng nakaraan niya?

Minsan pa ay tumingin siya kay Mac. Kahit sino ay gugustuhing mahalin ang isang katulad nito. Hindi ito katulad ni Sam na minsan ay hindi niya alam kung ano'ng gusto sa buhay – kung saan siya nakatayo sa buhay nito.

Isa pa, matagal na niyang sinabi sa sarili niya na kakalimutan niya na si Sam. Baka si Mac na nga ang ipinadala ni Kupido para makalaya siya sa kahibangan ng kabataan.

"Thank you, Mac," she said sincerely as she smiled at him.

Maybe just this once, she was allowed to move on from Sam and maybe fall in love all over again.

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon