Chapter Twelve

3.7K 73 1
                                    

"There you are!"

Napangiwi si Lalah nang marinig ang matinis na boses ni Dana. Mabilis ito'ng nakalakad sa harap niya habang siya naman ay tumutungga ng Coke-in-can at ngumunguya ng sitsirya. Kasalukuyan siyang naka-upo sa fire exit ng office nila.

"Tumatakas ka ba sa'min, Delilah?" akusa ni Dana sa kanya habang nakataas ang kilay.

Umiwas siya ng tingin dito at sumubo ng chips. "Of course not. Bakit naman kita iiwasan?"

Dana snorted. Sa tingin pa lang ni Lalah ay alam na niyang hindi maganda ang sasabihin nito at sesermunan lang naman siya. She cringed at Dana's gaze.

"Hindi pa kita na-i-interview sa nangyari sa date niyo ni Mac," kaagad na sabi nito. Hindi nga talaga siya makakatakas sa pag-ku-kwento sa kaibigan.

"Nothing happened," pagkakaila niya. Tuloy lang siya sa pagtungga ng soda.

But Dana glared at her, and Lalah knew she was in trouble again. Bago pa niya napigilan ang sarili niya ay isinubsob niya ang mukha sa tuhod niya.

"Dana! Help me! I'm so stupid!" she cried out in frustration. "At this rate, I am never, ever gonna get married!"

Pumalatak si Dana.

"Sinasabi ko na nga ba! Depressed ka na naman kaya nag-pi-picnic ka dito'ng mag-isa. What really happened?"

Lalah raised her head and made a face.

"Mac asked me to be his girlfriend," pag-ku-kumpisal niya sa kaibigan.

Mukhang nag-time freeze ang utak ni Dana dahil matagal lang ito'ng nakatingin sa kanya. Nang bumalik na siguro ang kaluluwa nito sa katawan nito ay saka pa lang ito nag-react.

"He did not!" bulalas nito sa kanya sa nanlalaking mga mata.

Tumango-tango siya. Kumuha siya ng isang dakot ng chips. Isinubo niyang lahat iyon sa bibig niya.

"And what did you say?" excited na tanong ni Dana.

"I didn't say anything!" himutok niya. "Sabi ko, mag-si-CR lang ako. Tapos naghilamos ako nang matagal. Hindi ako makalabas ng restroom at nagpaikot-ikot lang ako sa loob. Nang binalikan ko si Mac, change topic na ako. Hindi na rin siya nag-open pa."

Dinagukan siya ni Dana. "Gaga ka pala eh! Pinalampas mo ang pagkakataon?"

"What was I supposed to say?!" angil niya dito. Hinimas-himas niya ang ulo niyang nasaktan sa lakas ng batok nito. "Nabigla ako. I thought he just wanted to ask me out to get to know me more. Tapos, bigla niyang sinabi na gusto daw niyang maging girlfriend ako. Hindi ako prepared! And now, I can't even face him properly."

Kaninang umaga ay binati pa rin siya ni Mac na parang walang nangyari. Na parang hindi niya pinaikot-ikot ang ulo nito nung huling date nila. Kung sana ay dinedma na lang siya nito, mas madali pa sigurong pakiharapan ito ngayon. But Mac was different.

"What else is there to prepare?" angil ulit ni Dana. Sa hitsura nito ay parang gusting-gusto na nitong supalpalin siya. "Lalah, you're already past the teenage stage. That's why you shouldn't have secluded yourself from people noong college ka, eh. Ayan, natataranta ka tuloy sa mga simpleng proposal."

Hindi siya umimik at sumubo ulit ng isang dakot ng chips. Nagpatuloy sa pagsasalita si Dana.

"What's wrong with Mac? Don't you like him?"

"Gusto ko siya," she muttered lazily.

"Then why couldn't you just say so?"

Nalukot na naman ang mukha niya.

"It doesn't seem right for some reason. I mean, yes, I do like him. When he first arrived here, I even thought that he could be the man for me. I even went as far as asking that brute Sam to accompany me on our date so I don't mess it up. Pero nung sinabi na niya sa'kin na gusto niya ako, parang umurong ang dila ko. I had cold feet."

Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya. Nasanay na kasi siya na bina-balewala lang ng mga nakaka-date niya. Maybe at the back of her mind, she had already set her mind that she shouldn't hope too much on a date. So, Mac came as a pleasant but a very shocking surprise.

"And now, I don't know how to face him anymore," lumong-lumong sabi niya.

"Eh -, si Sam?" tanong nito sa kanya. "Ano'ng sabi niya?"

"Isa pa 'yon," she added with a hint of bitterness. "Iniwan na lang niya ako basta. If he had been there when Mac asked me, I could have handled the situation well. Wala talagang kwenta yung lalaking 'yon!"

May sinasabi pa sa kanya si Dana pero hindi na naririnig ni Lalah iyon. Ang isip niya ay naglakbay na pabalik sa panahong nakita niyang naglalakad si Sam palabas ng fastfood chain. She remembered the funny feeling she felt when she saw him walking out on her. Para bang ang lifeline niya ay unti-unting naputol dahil sa ginawa nito. A part of her wanted to scream and stop him from walking out on her because she wouldn't know what to do.

Naiinis siya dahil bigla-biglang nawala si Sam. Noong una naman ay naiirita siya kapag nakikita ito sa paligid. Pero noong mga sandaling iyon ay mas gusto pa niyang kasama ito kaysa kay Mac. But he left her just when she needed him the most.

He left her... Again. Na para bang wala talaga ito'ng pakialam sa kanya.

And to her horror, she found herself saddened by the fact that Sam never really cared about her at all.

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon