Chapter Six

4.5K 77 1
                                    

Pasilip-silip si Lalah mula sa cubicle niya habang pinapanood si Dana at ang iba pa nilang officemates na si Claudia at si Lexie na interviewhin si Mac. Wala man lang pinalampas na sandali ang mga hitad kahit na nga ba si Claudia at Lexie ay may mga boyfriends na.

"Ilang taon ka na, Mr. Lizalde? You look so young!" ani Claudia. Sinabayan iyon ng malalanding hagikhik ni Lexie at ni Dana.

Kung sa ibang pagkakataon ay baka tumirik ang mga mata ni Lalah at nasapak ang mga kaibigan. Pero ngayon ay kuntodo-haba din ang leeg niya para makinig sa pinag-uusapan ng mga ito. Hindi niya kayang magtanong dahil nahihiya siya at sigurado naman na mauutal na naman siya.

Mac's musical laugh echoed across the room as an answer to Claudia's persistence. Napahawak na naman si Lalah sa dibdib niya nang marinig ang tawang iyon. Ang sarap-sarap lang pakinggan.

"Please, call me Mac. And you flatter me too much," natatawang sabi ni Mac. "I'm turning 27 this year."

"Sus, tatlong taon lang pala ang ibinata mo sa'kin," si Lexie na patuloy sa paghagikhik. Kung kiligin ito ay parang wala ito'ng boyfriend.

Tila wala sa loob na pinaraan ni Mac ang kamay nito sa buhok nito. Every single strand of his hair seemed to dance along with his every movements. Parang na-e-engkanto si Lalah habang pinagmamasdan si Mac sa harap niya. For the first time in many years, she rediscovered the feeling of a having a crush again. Dahil buong kabataan niya ay sinayang niya noon sa pagsunod-sunod kay Sam.

Don't go there again, Lalah, saway niya kaagad sa sarili.

"May girlfriend ka na, Mr.—este, Mac?" diretsang tanong ni Dana.

Muntikan nang iuntog ni Lalah ang ulo sa divider sa cubicle niya. Diretsahan na talaga kung diretsahan ang drama ni Dana. Pero wala siya sa pwesto para magreklamo. She wanted to hear the verdict too.

"Nah," wika ni Mac habang umiiling. "Walang magkamali eh," pagbibiro pa nito.

"Kami! Gusto naming magkamali! Willing na willing kaming magkamali sa'yo. 'Di ba girls?" salo kaagad ni Dana.

Lalah heard a collective snort inside the room. Mukhang kahit ang iba nilang officemates ay hindi kinakaya ang kagagahan ng mga ito.

"Don't listen to them, Mac!" Someone from the room shouted. "Nabingwit na 'yang si Claudia at si Lexie. Ligtas ka sa dalawang iyan." Sinabayan pa iyon ng matutunog na halakhak.

Napasimangot si Claudia at Lexie. Si Mac naman ay hindi nawala ang ngiti sa labi.

"Sayang naman pala kung gano'n," segunda ni Mac.

Dahil sa sinabi nito ay impit na naman na tumili ang mga hitad. Si Lalah naman ay napapangiti na rin kahit paano. So, single pa rin pala si Mac. Malayang malaya pa siyang pagpantasyahan ito.

"Sino na namang tinitingnan mo?"

Napaigtad si Lalah nang marinig ang boses na iyon sa likuran niya. Kahit hindi niya tingnan ay alam niyang si Sam iyon. Panira talaga ito ng moment niya kahit kailan. Ipinatong nito sa ulo niya ang makakapal na folders.

"Ito na yung blueprints na hinihingi ni Mr. Cordera. Ikaw na lang ang magbigay sa kanya," utos nito. Mag-po-protesta sana siya pero agad nito'ng tiningnan ang gawi nila Dana. "That was the guy you were talking about earlier, right?"

Niyakap ni Lalah ang folders na ibinigay ni Sam at pasimpleng tumingin ulit kay Mac na nakikipagtawanan kila Dana. She sighed dreamily.

"Ang gwapo talaga, 'no?"

"Hmph. Mukhang malinis at bata pa," masungit nito'ng sabi. "Huwag ka nang mangarap, Delilah. You don't want to be accused of cradle-snatching," pang-aasar pa nito.

"Tse! Kontrabidang inggitero," asar na sabi nya.

Pero may point naman si Sam. Asa pa naman siya na mapansin ni Mac. Kontento na siyang pinapanood ito sa malayo. Kahit naman sa malayo ay kinilig-kilig pa rin siya dito.

"Ganyan na ang mga type mo?"

Tumango-tango siya. Mayabang niyang itinaas ang mukha for emphasis. "Of course. Level-up na ang taste ko." Hindi katulad nung bata ako, tse!

Hindi umimik si Sam nang mahabang sandali. Nagtatakang napatingala si Lalah dito. His expression was deadly serious. Mukhang ang lalim-lalim ng iniisip nito ng mga sandaling iyon.

For a while, she had a chance to stare at his profile. Memoryado na niya iyon noong bata pa siya dahil malimit niyang titigan si Sam noon. She could even draw Sam's face from memory when she was a kid. Naka-ipit pa sa diary niya ang mga doodles at sketches niya noon ni Sam.

She realized that Sam had indeed grown a lot during the past years. Mas prominente na ang panga nito at mas matalim na ang mga mata nito. He looked thrice as gorgeous as the boy she had kept in her heart from long ago. Kung hindi lang sana nito walang awang pinira-piraso ang puso niya, baka mas naging maayos ang buhay pag-ibig niya ngayon.

Nang maisip iyon ay nainis siya. Bigla niyang sinipa ang paa ni Sam sa pagkagulat nito.

"Aray ko! Lalah, bakit ba ang bayolente mo talaga?" Pinapagpag pa nito ang nasaktang paa.

"Bakit ka natutulala diyan? Lumayas ka na," ganti niya dito. Kapag natititigan niya ito ay naglalakbay ang diwa niya sa nakaraan. Hindi na pwede iyon. Past is past.

Matagal muna siyang tinitigan ni Sam. Nakakrus pa ang mga braso sa dibdib nito at sinipat-sipat na ang lahat ng anggulo niya. Tingin niya ay parang ginawa siya nito'ng baboy at pinag-aaralan kung pwede na siyang katayin o hindi.

Pagkatapos ay bumuntong hininga si Sam nang pagkalalim-lalim. Kasabay nang sunod-sunod na pag-iling.

"What was that all about?" mataray na tanong niya dito.

"I realized that I'm a really hopeless case," tila sumusukong sabi nito.

Pagkatapos ay tuluyan na itong tumalikod sa kanya. Naguluhan man si Lalah sa inakto ni Sam ay ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. Sam had always been weird, after all.

Umupo siya ulit sa cubicle niya at patagong sinulyapanan ulit si Mac. Pero sa pagkakataong iyon ay tumingin ito sa dako niya at nagsalubong na naman ang mga mata nila. To her surprise, Mac gave her a little wave. Mabilis siya ulit yumuko kasabay nang pagbatok sa sarili.

Ang gaga lang niya talaga kahit kailan!

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon