Chapter Eighteen

4.2K 82 10
                                    

Dire-diretso sa paglalakad si Lalah. Hindi na niya ininda kung tama ba ang gagawin niya. Basta ang alam niya ay naiinis siya sa nakikita niya.

She stopped in front of Ayel and crossed her arms in front of her chest. Nang makita siya ni Ayel ay mukhang gulat na gulat talaga ito. Kumalas ang huli mula sa pagkakayakap ng lalaking kaharutan nito.

"Oh, Lalah, nandito ka pala," masiglang bati nito sa kanya. Pagkatapos ay tumingin ito sa kasama nito. "You'd be surprised to know who I am with right now."

Tumaas pa lalo ang kilay niya. Talaga nga atang nananadya si Ayel.

"Oo nga, eh. Sobrang na-sorpresa ako," Lalah countered sarcastically. "Hindi ko man lang naisip na nag-tu-two-time ka at niloloko mo lang si Sam," asar pang dagdag niya.

"Ha?" Mulagat si Ayel. "Two-time? There's some misunderstanding here."

"Wala. Huwag ka nang mag-deny. Kita'ng kita ng dalawang mata ko na nakikipagharutan ka dito sa lalaking ito" Sinulyapan ni Lalah ang matangkad na lalaking kasama ni Ayel, sabay irap. Tiningnan niya ulit si Ayel. "Lolokohin mo na rin lang si Sam, hindi ka pa naghanap ng mas gwapo. I can't believe your guts!"

Akmang magsasalita si Ayel pero itinaas niya ang kamay. Ang lalaki naman sa harap nito ang pinuntirya niya.

"At ikaw naman, siguraduhin mo na ang susungkitin mo ay walang sabit. May hitsura ka sana pero tanga ka naman," asar na sabi niya.

May pagtatanong sa mga mata na nilingon nito si Ayel. "Babe, ano'ng sinasabi niya?"

"Listen, Lalah. You are misunderstanding something here..."

"Wala nga ako'ng na-mi-misunderstand! At bakit ako makikinig sa isang katulad mo na harap-harapan kung manloko ng tao? Paano na si Sam? Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman niya?"

Gusto na niyang sabunutan si Ayel pero nagpipigil siya. Baka mapatay niya ito nang wala sa oras.

"Ayel's right. You should listen to her," wika ng isang tinig sa likuran niya.

Lalah's heart thumped wildly when she recognized the voice. Unti-unti ang paglingon na ginawa niya. Para lang makita si Sam na nakakrus ang mga kamay sa dibdib.

On instinct, iniharang niya ang sarili niya kay Ayel para matakpan ang view at hindi makita ni Sam ang pareha na magkasama.

"Sam, magkaibigan lang sila. Promise. There's nothing really going on between them," agaran niyang sabi.

Sa pagtataka ni Lalah ay tumawa si Sam. Then he looked at her with tenderness in his eyes.

"Lalah, I appreciate the effort. Really. But Ayel's right. May hindi ka naiintindihan." Bumaling si Sam kay Ayel. "Buti at nakapagtimpi ka dito sa isang 'to?"

Si Ayel naman ay tumawa din.

"She meant well. She was trying to protect you," naaaliw na sabi nito. "Now I know what you have to put up with all these years."

Takang pinaglipat-lipat ni Lalah ang tingin kay Sam at kay Ayel na nagtatawanan.

Did she miss something?

Mukhang nababasa ni Ayel ang iniisip niya nang mga sandaling iyon. Tumikhim ito at itinuro ang kasama nito.

"Lalah, meet my fiancé, Robert. Robert, si Lalah. Kaibigan namin ni Samson," nangingiting sabi nito.

Napanganga na tuloy siya. "F-fiancé?"

Tumango-tango si Ayel.

"Yes. He's the reason why I went back here. Nag-away kasi kami. Pero bati na kami ngayon at nag-propose siya. And I don't really appreciate what you said na mas gwapo si Sam kaysa sa kanya. Hindi ako papayag," wika nito pero sa tono naman na nagbibiro.

Lalah bit her lower lip and winced inwardly. Kahit hindi niya nakikita ay alam niyang tumatawa na naman si Sam sa likod niya. Gusto na niyang bumuka ang lupa at lamunin na siya nang tuluyan para hindi na niya sapitin ang kahihiyang dinadanas niya ngayon.

Nag-pa-paumanhin ang mga tingin na ibinigay niya sa fiancé ni Ayel.

"Sorry, Robert. Kalimutan mo nang sinabi ko'ng tanga ka. 'Yong part na lang na sinabi ko'ng may hitsura ka ang tandaan mo."

"Apology accepted," wika ni Robert na halata rin na pinipigilan lang ang pagbunghalit ng tawa. Tumingin ito kay Sam. "She really fits the description you gave me, Sam."

Si Sam naman ay mukhang aliw na aliw sa sitwasyon. It was Ayel who spoke again.

"Mauna na kami, Sam. Take care of Lalah. Narinig mo naman siguro ang sinabi niya. She was willing to fight with me para hindi ka masaktan," wika nito.

Pagkatapos ay inakbayan ito ni Robert at kumaway sa kanila. "Be happy, you two."

Naiwan si Lalah na pinapanood ang papalayong pigura ng mga ito.

Ang tanga tanga lang niya. Inunahan na naman siya ng katangahan.

Naramdaman niya nang tumabi si Sam sa kanya.

"Lalah, I think it's now our turn to talk." Hindi pa rin nawawala ang pagtatawa sa boses nito.

Tiningnan lang niya ito nang matalim bago nagpatiunang lumakad.

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon