Chapter Seven

4.7K 80 3
                                    

Bored na pinaglilipat-lipat ni Lalah ang channel sa TV habang nakadapa sa ibabaw ng kama niya. Natapos na niya lahat ng mga pwedeng panooring DVDs ay hindi pa rin siya makatulog. Nag-iisip pa siya ng pwedeng gawin para antukin ay saka naman siya nakarinig ng malakas na feedback ng microphone.

"Ugh! Gabing-gabi naman!"

Dali-dali siyang sumilip sa labas ng bintana niya para alamin kung saan nanggaling ang ingay na naririnig niya. Nasa ikalawang palapag siya ng bahay nila.

Nakita niya si Sam na inaayos ang isang videoke machine sa hardin ng bahay nito. He was wearing his white sando and his boardwalk shorts. Kitang-kita tuloy sa sando nito ang malapad nito'ng balikat at ang magandang hubog ng muscles sa mga braso nito. Kung tingnan niya ito ay parang bata pa rin ito at malayo sa professional na lalaki sa opisina nila. Pero sigurado na naman siya na kapag lumabas ito ng gate nito ay pagpipyestahan na naman ito ng mga tsismosa at bakla sa kanto. She couldn't blame them despite her irritation. Objectively speaking, Sam was a gorgeous guy through and through.

Umirap siya. "O, eh, ano ngayon kung gwapo ka?"

Sa likod ni Sam ay prenteng nakaupo ang mga magulang nito na si Tatay Ato at si Nanay Rowena. Nang tumingala si Tatay Ato at makita siya ay sumigaw ito.

"Lalah, hija! Samahan mo kami dito!" paanyaya nito.

"Hindi ho ba kayo papagalitan ni kapitan? Gabing-gabi na ah!" balik-sigaw niya dito.

"Wedding anniversary naman namin ng Nanay Rowena mo. Pinagbigyan kami ni kapitan ngayong gabi."

Napatutop siya sa noo. Nakalimutan na niya ang wedding anniversary ng mga ito dahil hindi na siya gaanong tumatambay sa bahay ng mga ito.

"Naku, Happy Wedding Anniversary ho. Sorry ho, nakalimutan ko po," hinging dispensa niya.

"Eh, halika na dito! Samahan mo kami!" yaya ni Nanay Rowena.

Kahit na natetempt siyang bumaba dahil gusto niyang kumanta ay hindi niya maiwasang sulyapan si Sam. Araw-araw na nga niya ito'ng nakikita, pati ba naman bago matulog ay ito pa rin ang kasama niya? Lalo na ata siyang mamalasin kapag lagi pa siyang dumikit dito. Malakas kasi ang pakiramdam niya na si Sam ang dahilan kung bakit single pa rin siya hanggang ngayon.

Tatanggi sana siya nang sumigaw si Sam.

"Ang arte! Gustong-gusto namang bumaba, nag-pa-paimportante pa!"

Sumimangot siya. Kahit kailan ay hindi talaga ito marunong makipagusap nang maayos sa kanya. Sa kanya lang naman ito gano'n. Kapag naman sa mga babae sa opisina, pa-gentleman ang drama nito.

Gusto niyang sabihin dito na wala siyang balak makipagkantahan kasama ito. But the videoke machine was too tempting. Mas gusting-gusto niyang kumakanta sa open space kaysa gumagamit ng Magic Sing sa loob ng bahay.

"Bilis! Ang bagal!" buska pa ni Sam.

Dali-dali siyang nanakbo palabas ng bahay at dagling tumabi sa kinauupuan ni Tatay Ato at Nanay Rowena.

May pinindot si Sam sa videoke machine at nakangising inabot ang mike kay Tatay Ato. Sa kanya naman ay iniabot nito ang songbook. Ilang sandali pa ay nagdu-duet na si Tatay Ato at Nanay Rowena ng isang lumang rock song. Siya naman ay busy pagkalkal sa songbook.

Ilang sandali pa ay naramdaman na niya si Sam na nakatingin sa kanya pero hindi nagsasalita. Tinititigan lang siya nito.

"Spill it," wika niya nang hindi na siya makatiis dito.

"I saw you talk with Gregorio earlier," simula nito. "Ano'ng sinabi niya sa'yo? Narinig ko'ng sinabi niya na wala naman daw nangyari noong date niyo. Kulang na lang ay sabihin niya na hindi kayo nag-date."

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon