Chapter Two

6.2K 113 3
                                    

"Ano'ng nangyari sa date mo kagabi?"

Hindi pa nakakalapag sa unang landing ng hagdan si Lalah ay inusisa na kaagad siya ng kanyang magaling na ina na si Bettina. Nasa kusina ito at nagluluto ng agahan nila. Dire-diretso siya sa kumedor at umupo sa harap ng lamesa.

"Wala. Walang nangyari. Bilog ang buwan kagabi, Ma. Marami talagang kamalasan kapag bilog ang buwan," palusot niya dito.

Sumimsim siya sa tasa ng kape para ibaba din kagad iyon dahil napaso siya.

"Pwe! Pwe!" Pilit niyang pinapunasan ang dila niya na nalapnos na nga atang tuluyan.

Nakapameywang na hinarap siya ni Bettina.

"Ang tanda tanda mo na, hindi ka pa rin marunong magdahan-dahan. Clumsy as ever," napapailing na sabi nito.

Ngumuso si Lalah. "Lahat na lang kayo, ganyan ang sinasabi. Nakakasawa na kaya."

"Bakit? Sino pa bang isang nagsabi sa'yo?"

"Si Samson. The worst thing that happened to me since acne breakout," nakabusangot na sabi niya.

Her mother wrinkled her nose. "Ah. So kaya pala kanina ay dumaan si Sam dito at may ipinaaabot sa'yo."

Nagtatakang sinundan niya ng tingin ang nanay niya na binuksan ang refrigerator. Nagulat pa siya nang kumuha ito ng cold compress at ipinatong sa lamesa. Naghihinalang tinitigan niya lang iyon.

"Ano 'yan, Ma?"

"Sabi ni Sam, baka daw nagbukol ang pagkakauntog mo sa pinto kagabi. Sayo pala galing yung malakas na kalabog na narinig ko kagabi," natatawang sabi nito.

"Nakonsensya siguro ang hudyo sa mga pang-aasar niya sa'kin," wika niya.

Pinindot-pindot niya ang cold compress. In fairness, may puso rin pala si Sam.

Si Bettina ay bumalik sa pagluluto. Siya naman ay kumuha ng pandesal at isinawsaw iyon sa kape. Kumakain na siya nang magsalita ulit ang nanay niya.

"Lalah, pang-ilan mo na ba ang date mo kagabi? Bakit maraming beses ka namang nakikipagdate pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring boyfriend? Lalampas ka na sa kalendaryo sa isang taon, ah."

Napasimangot siya sa sinabi ng nanay niya. Para namang kailangan pa niyang paalalahanan na malapit na siyang matawag na "old maid." It's not as if she can do something about it. Katulad nga ng sinasabi ng ina niya, hindi naman siya nawawalan ng date nitong mga nakalipas na taon. Wala nga lang talagang nagiging boyfriend niya.

"Ma, you don't have to tell me everytime," himutok ni Lalah. "Sa tingin mo ba, hindi ko naririnig tumunog ang biological clock ko?"

"Kay Sam, ayaw mo?" biglang sabi nito.

Muntikan na siyang mabilaukan ng pandesal na kinakain niya dahil sa sinabi nito.

"Hindi bagay sa'yo ang magpatawa, Mama," she reprimanded.

"Aba, bakit?" painosenteng tanong nito. "Ang ganda ng lahi ng apo ko kapag nanggaling ang ugat kay Samson. 'Di ba no'ng mga bata pa kayo, hindi kayo mapaghiwalay? Ang sabi mo pa noon kay Pareng Ato, si Sam lang ang papakasalan mo." Ang pareng Ato na tinutukoy ng nanay niya ay ang ama ni Sam.

Itinakip niya ang mga kamay sa tenga. Konti pa ay sigurado na siyang lilipad palabas ng katawan niya ang kaluluwa niya. Hindi kayang i-digest ng utak niya ang tinatakbo ng usapan nila ng ina niya.

"Stop! Stop right there! Wala na ako'ng maalala. Nagka-selective amnesia ako at kinalimutan ko na lahat ng may kinalaman kay Sam," angil niya dito.

Tatawa-tawa lang si Bettina habang nagluluto.

"Pumunta ka pala sa supermarket mamaya at mag-grocery ka. Wala kami mamaya ng Papa mo at may pupuntahan kaming dalawa na kasal." Her mother gave an exaggerated sigh. "Hay... Yung iba diyan, kailan naman kaya ikakasal nang lumagay na kami sa tahimik ng tatay niya?" parinig pa ng ina niya.

Hindi na lang niya ito pinansin. Sanay na siya sa mga parinig nito sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Lahat kasi ng mga kapatid niya ay pawang nag-asawa na at may sarili nang mga pamilya. Siya na lang ang natira sa poder ng mga magulang niya.

Kapagkuwan ay napatingin siya sa cold compress sa harap niya. Kahit ayaw niya ay naglakbay ang utak niya sa panahong hindi pa niya gaanong isinusumpa si Sam.

"Lalah, 'pag lumaki tayong dalawa, ako lang ang papakasalan mo, ha?"

"Siyempre naman. Hindi tayo pwedeng maghiwalay. Tayo si Samson at Delilah, 'di ba?"

Napasimangot si Lalah nang maalala ang mga salitang binitawan nila ni Sam noong sampung taong gulang pa sila. Matagal na panahon na iyon at gasino na niyang natatandaan na sinabi niya iyon noon.

"Taksil na Samson," asar na sabi niya bago hinablot ang cold compress sa mesa.

***

Halos mabali na ang kamay ni Lalah habang pilit na inaabot ang instant noodles na nasa pinakamataas na bahagi ng estante sa Food Section na iyon ng grocery. Trip pa naman niya sa mga noodles ay iyong hindi niya na mabasa ang pangalan. Nagfi-feeling Koreana siya at Hapon kapag kumakain siya noon gamit ang chopsticks. It was one of her guilty pleasures.

"Asar naman oh. Bakit kaya pagkataas-taas naman kasi ng shelf dito?"

Huminga ulit siya nang malalim habang tinitingnan ang instant noodles. Pagkatapos ay tumingkayad siya hanggang ang hinlalaki na lang sa mga paa niya ang nakasayad sa lupa.

"Konti pa, Lalah!" pag-encourage niya sa sarili. "Konti pa at abot-kamay mo na ang langit."

Totodohan pa sana niya ang effort sa pag-abot ng instant noodles kung hindi siya biglang natigilan sa mabangong amoy na sumayad sa ilong niya. Noon pa lang niya napagtanto na may malapad na dibdib na nasa likod niya. Natigil tuloy siya sa ginagawa niya.

"Miss, ito ba yung inaabot mo?" magalang na tanong ng lalaki sa harap niya.

Natigilan siya nang marinig ang tinig. Parang gusto rin niyang pumikit para namnamin pa ang magandang boses na iyon.

"Miss?"

"Aherm..."

Tumikhim siya nang malakas at inihanda ang sarili para harapin ang lalaking nasa likod niya. Para lang matigilan ulit nang makita nang husto ang hitsura ng lalaki.

OMG! I'm in heaven! Tra-la-la!

Dahil sa harap niya ay isang lalaking mukhang ginawa sa langit at direstong inihulog sa lupa para lang sa mga tigang ang pusong kagaya niya.

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon