Chapter Nineteen (Final)

6.7K 202 40
                                    

Mabibilis ang mga hakbang ni Lalah. Gusto lang niyang makalayo kay Sam nang tuluyan. Pero naabutan siya ni Sam dahil mabibilis din ang mga hakbang nito.

"Lalah, narinig ko ang mga sinabi mo kay Ayel kanina," umpisa nito.

"So?" mataray na sabi niya pero hindi naman ito nilingon. Tuloy lang siya sa paglalakad.

"I can draw my own conclusions. But I want to hear it from you first. Bakit mo siya sinugod?"

"Gusto ko lang. Galit ako sa two-timers," inis na sabi niya.

"Ows? Eh, bakit ang pakaintindi ko, nagagalit ka kasi natatakot kang masaktan ako?" Pa-inosenteng tanong ng hudyo. "Delilah na Delilah ang dating mo kanina. Ang tapang."

Doon niya ito hinarap. Naglalagitikan ang mga ngipin niya.

"Bakit ba gusto'ng gusto mo'ng iniinis ako?" she blurted while trying hard not to cry her frustrations.

Pero nasagad na siguro siya dahil sa mga nangyayari sa kanya nito'ng mga nakaraang araw. Idagdag pa na na-miss niya si Sam dahil hindi sila nagkikibuan. Before she could stop herself, she let her foolish tears trickle down her cheeks.

"Naisip mo ba ang naiisip ko na baka makita mo'ng niloloko ka ni Ayel? Alam ko naman noon pa na siya ang first love mo, na dahilan kung bakit wala kang tumagal na girlfriend, eh. When I saw her with another man, natural lang na magalit ako at mag-alala para sa'yo. Kausap ko pa si Mac kanina. I left him because I was worried about you. Tapos pinagtatawanan mo lang ako," reklamo niya dito kasabay nang pagsinghot.

Sam's face softened instantly. Pinahid nito ang ilan sa mga patak ng luha na naglandasan sa pisngi niya.

"You've been through a lot because of me," mahinang sabi nito.

"Mabuti naman at alam mo," panunumbat niya. "Ano? Pagtatawanan mo na naman ako? Sasabihin mo na naman na hindi na ako makakapag-asawa dahil sa mga pinaggagagawa ko?"

Instead of answering her, Sam pulled his Walkman out of his bag. Ipinatong nito sa ulo niya ang headphones nito. Magrereklamo sana si Lalah nang marinig ang pamilyar na boses na nagmumula sa speakers.

"Ang tagal-tagal ko nang gusto'ng sabihin sa'yo na gusto ko, ikaw ang first hug ko. Gusto ko, ikaw ang first kiss ko. Gusto ko, yung apelyido mo ang magiging apelyido ko pagtanda natin. Mahal kita. Forever and ever."

Lahat ng luha ni Lalah ay umakyat pabalik sa tearducts nya dahil sa narinig niya.

Ito ang confession tape niya na pinaghirapan pa niyang i-record noon!

"Bakit na sa'yo pa 'to? Akala ko, itinapon mo na 'to?" takang tanong niya.

Ano na naman kayang gustong palabasin ni Sam sa pagpapakinig sa kanya ng tape na 'yon?

"Bakit ko naman ito itatapon? Aba. Pinaghirapan ko 'yang nakawin sa bag ni Carlito noong Grade Five tayo. Muntikan pa ako'ng mapadala sa Guidance dahil nahuli ako nung kaibigan niya na hinahalungkat ang mga gamit niya."

Lalo pa atang kumunot ang noo ni Lalah sa sinabi ni Sam.

"Bakit mo 'to nanakawin sa bag ni Carlito?"

Sam was frowning as he looked at her.

"Did you forget? You put that confession tape inside his bag. Naisip mo ba ang nararamdaman ko nang makita ko na ang first love ko ay nagtatapat ng pag-ibig sa ibang tao?"

Naguguluhang umiling-iling siya.

"Ano'ng pinagsasasabi mo diyan? I made this for you. Kahihiyan ko na lang kapag gumawa ako ng ganito para sa ibang tao. Ang corny-corny kaya."

My Clumsy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon