00: A Hectic Christmas Eve
Isang maliwanag na gabi, habang sinasakop ng buong buwan ang bayan ng Fuentablo ay nagkaroon ng hindi inaasahang pasyente sa loob ng pinakasikat na ospital sa Batangas.
Dalawang oras na lamang at pasko na. Nagsimula nang mabawasan ang mga tao sa hospital dahil na rin sa utos na kanilang natanggap. Isasara ang buong establisyemento pagpatak ng alas-dose at ang mga pasyenteng naka-confine ay ililipat sa kalapit na hospital. Isang doctor, dalawang nurse at isang security guard na lamang ang natira.
Ika-dalawapu't apat ng Disyembre nang dumating ang isang babaeng magsisilang na ng sanggol.
Isang sanggol na may malaking gampanin sa kinabukasan ng hospital.
"DOC! DOC! ANG ANAK KO! HINDI KO NA KAYA! MANGANGANAK NA AKO!!!" Labas na ang litid ng babae kasisigaw sa nakatayong doctor na nasa gitna ng pasilyo.
Isinenyas ng doctor sa dalawang natitirang nurse ang buntis. Iniupo ito agad sa wheelchair.
"Misis, kumalma lang po kayo." Mahinahong usal ng doctor sa babae na pawis na pawis at panay ang hinga nang malalim.
Itinulak na ito ng doctor papasok sa delivery room na sa kabutihang palad ay hindi pa naisasara.
"MAY TAO BA RITO?! PAKIUSAP! TULUNGAN NIYO KAMI NG ANAK KO! TULONG!" Nilamon ng isang malakas na palahaw ang buong ospital nang may pumasok pang isang babae na nagmamakaawang iligtas ang kaniyang nag-aagaw-buhay na anak.
Nagawa pang lumingon ng babaeng manganganak sa kaniya hanggang sa hindi niya na ito makita.
"Doc! There's an emergency patient, urgent operation is needed."
"I have to do this first."
"Nag-aagaw buhay na po ang anak niya."
"Then give him first aid. Bibilisan ko rito atsaka ko siya pupuntahan. Ihanda ang Operating Room. Lahat ng gamit na kakailanganin ay ilabas. Hurry up!"
Gustong magsalita ng babaeng manganganak na unahin na lamang ang batang pasyente ngunit maski siya ay hindi na kaya pang pigilan ang paglabas ng sanggol mula sa kaniyang sinapupunan.
"DOC! BILISAN MO NA!" Naisigaw niya na lamang dahil sa sakit na nararamdaman. Naihiga na siya sa kama at nilamon na ng kaniyang iyak at sigaw ang buong kwarto.
"SIGE NA, MISIS! IRE NA!"
*****
Sa kabilang kwarto naman ay walang tigil sa pag-iyak ang ina ng bata. Ang anak niyang apat na taong gulang ay natamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng bisperas ng pasko.
"Matagal pa ba?! Kailangan nang maoperahan ng anak ko! Magbabayad ako kahit magkano! Basta mabuhay lang ang anak ko!" Bulalas nito sa isang nurse.
"May pinapaanak pa ho si Doc, Misis. Kaming tatlo na lang po ang natitira dito sa hospital dahil magsasara na po kami maya-maya. Pasensiya na po. Intern lang po kaming nurse na natira, wala pa po kaming experience sa pagpapaanak at pag-oopera. Pasensiya na po talaga." Sagot ng nurse habang inaalo ang babaeng walang humpay sa pag-iyak.
"We will do anything we can." Sabay na napalingon ang dalawang nurse at babae sa nagsalita.
Dumating na ang doctor.
"Nurse Cha, puntahan mo iyong babaeng nanganak at ikaw na muna ang bahala sa kaniya. Tara na Nurse Liz." Bago ito pumasok ay hinarap niya muna ang babae.
"Gawin niyo po ang lahat mailigtas lang ang anak ko." Pagmamakaawa nito.
"We will." Iyon lang at pumasok na ito sa OR.
*****
"Misis, magpahinga ho muna kayo. Ako na pong bahala sa anak niyo." Usap ni Nurse Cha sa babaeng kapapanganak pa lamang.
"'Yung isa pang pasyente, kumusta na?" Kahit na nanghihina ay pinilit nitong magsalita.
"Naku, Misis. Alam kong hindi po tama ang sasabihin ko dahil bilang nurse ay sa positibo dapat ako unang papanig pero pagkakita ko pa lang po sa bata, alam kong wala nang pag-asa. Ngunit kahit na ganon, sana ay maghimala ang langit. Pasko pa naman bukas, hindi magandang magluksa sa ganoong araw." Mahabang sagot ni Nurse Cha.
Nilinisan niya ang bata pagkatapos ay ibinalot sa puting tela.
"Ang batang iyan... anak 'yan ng may-ari nitong ospital..."
Natigilan ang nurse.
"Po? Paano ho nangyari 'yun? May asawa na po si President Hwang." Takhang tanong nito at kusa ring napatikom nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng babae.
"Nais kong—"
"NURSE CHA! TULONG, BILIS!"
Natatarantang ibinaba ng nurse ang sanggol sa hospital bassinet na nasa tabi ng ina nito.
"Misis, sandali lang po. Babalikan ko po kayo." Dali-dali itong lumabas at naiwan na ang mag-ina sa kwarto.
Dumiretso ang dalawang nurse sa OR. Naabutan nila ang inang naglulupasay sa sahig habang kaharap ang doktor.
Wala na ang anak nito.
"DOC! MAY PASYENTE PONG TUMAKBO PAALIS!" Humahangos na sigaw ng security guard.
Nagtinginan ang dalawang nurse at nag-iisang doctor.
Sigurado silang dalawa na lang ang pasyente sa ospital. Kaharap nila ang isa, at ang isa ay iyong kapapanganak pa lamang.
"'Yung baby!" Natauhan bigla si Nurse Cha at tumakbo pabalik sa kwarto ng mag-ina kanina.
Narinig niya ang palahaw ng walang muwang na bata. Binuhat niya ito upang patahanin nang may makita siyang nakatiklop na papel.
Ang batang ito ay anak ni Alejandro Francia. Pakiusap, ibigay niyo ang anak ko sa kaniya. Kapag tinanong kung sino ang ina, Sol ang isagot niyo. Kilala niya ako. Kapag hindi naniwala, sabihin niyong Luna ang pangalan ng bata. Alam kong hinihintay niya ang pagdating ng anak namin. Maraming salamat.
END OF PROLOGUE
DISCLAIMER
This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.
DATE STARTED: 03/31/2020
DATE FINISHED: 09/25/2020
//.
YOU ARE READING
Angel's Mission |Completed|
RomanceA spoiled brat who treats herself as a living princess met her own guardian angel. Little did she know that they already met eighteen years ago when she was born and he was dead. [ UNDER ULTIMATE REVISION ] --- DATE STARTED: 06/01/2020 DATE FINISHED...