CHAPTER 8

36 9 0
                                    

08: Five Minutes Battle

Luna's POV

"Manang Selda, pakitimpla naman po kami ng tatlong juice. Pakidala na lang po rito sa sala." Utos ni Appa sa 'family chef' kuno namin.

"Yes, President." Sagot nito bago pumunta ng kusina.

Nandito kaming tatlo nina Appa at Sirius sa sala at hinihintay 'nilang' lumabas ang resulta ng exam ko.

Hinila lang naman ako ni Sirius at pinilit na sumama dahil matutulog lang naman daw ako magdamag.

"Feeling ko talaga ay hindi bababa ng 400 ang score mo, Luna." Nakangiting sabi ni Appa.

"Oo nga, Noona. Hindi yun bababa ng 400." Pagsang-ayon naman ni Sirius kaya nginiwian ko silang dalawa.

"Ganun ba kabobo ang tingin niyo sa 'kin?" Inis kong asik.

"W-Wala naman kaming sinabi." Appa

"Ikaw lang nag-iisip niyan, Noona." Sirius

Inirapan ko silang dalawa atsaka umayos ng upo.

"500 ang total ng tinake kong exam. 100 per major subject. Lahat ng nandoon sa exam ay napag-aralan ko na noong nasa Korea pa 'ko." Hindi sa pagmamayabang pero parang ganun na nga ang tono ng pananalita ko.

Sinulyapan ko si Faith na nakatayo sa gilid katabi ang iba pa naming kasambahay.

"Hindi malabong ma-perfect ko 'yon." Sabay ngisi kong wika.

Umiwas siya ng tingin at umalis. Mas lalo tuloy akong napangisi.

"Huwag ka ngang mayabang, Noona. Nag-research ako about sa Fuentablo at hindi basta-basta ang entrance exam doon. Mga matatalino at mapera lang talaga ang nakakapasok doon." Sabat naman ni Sirius kaya sininghalan ko siya.

"I am that exact person you're trying to describe, Sirius."

"Oh, you're right." Natawa siya sa sariling kalutangan. "Pero hindi talaga basta-basta makakapasok doon."

"Sinasabi mo bang hindi ako makakapasa? You're making it sound negative to my side."

"H-Hindi, ah! Wala akong sinabi!"

Ginulo ni Appa ang buhok ni Sirius at tumawa.

"Wag mong ginaganiyan ang Noona mo at baka hindi ka na niya bigyan ng pagkain." Narinig kong bulong niya kaya sinamaan ko sila ng tingin.

"Edi ibili mo na lang din ako ng sarili kong ref." Nakangiting sagot ni Sirius at nag-puppy eyes sa tatay namin.

Lumayo sa kaniya si Appa kaya naiwan siyang nakasimangot sa gilid.

Dumating na si Manang Selda dala ang meryenda naming tatlo. Kapag wala kaming natanggap na message galing Fuentablo hanggang alas-singko ng hapon, ibig sabihin hindi ako nakapasa. 400 pataas dapat ang score na makuha ko para makapasok ako officially.

Umiinom ng juice sina Appa at Sirius habang naghihintay at nakatingin sa laptop. Ako naman, diretso lang ang tingin sa isa pang single sofa na nasa kabilang dulo ng inuupuan ko.

Nakaupo roon ang isang nakaputing lalaki. Halatang mas matangkad siya sa akin dahil sa haba ng nakakrus niyang mga binti, maputi at may maipagmamalaking mukha. Pinagmamasdan niya ang bawat sulok ng mansion habang prenteng nakaupo.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now