CHAPTER 23

17 6 0
                                    

23: Stay Away

Luna's POV

Impit akong napadaing dahil sa hapdi ng sugat ko sa tuhod.

Kung wala lang kaming planong binuo nila Cloud ay sisiguraduhin kong mapupuno ng band aid at benda ang katawan ni Haylee ngayon.

Isa pa ang Minkyu na 'yon, anong rason at pinatid niya ako? To gain the freaking trust of Haylee the mighty bitch? Kainis!

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

"Noona?"

"Bakit?" Sigaw ko pabalik.

Mabilis kong nilagyan ng betadine ang tuhod ko at pinatungan ito ng band-aid. Iyong kanang tuhod ko lang naman ang may sugat compare kay Haylee na parehong tuhod ang nagdugo kanina.

"Let's talk."

Wala pa nga akong sinasabi na pumasok siya ay bumukas na agad ang pinto. Bago niya pa makita ang first aid kit ay tinakluban ko na agad iyon ng kumot.

"May sinabi na ba akong pumasok ka?"

"Galit ka ba sa akin?" Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto ko.

"Walang rason." Tipid kong sagot.

"Nag-aalala lang ako sa 'yo, Noona. Pati si Appa, hindi mapakali kaiisip sa 'yo simula pa kahapon."

Tumayo ako at naupo sa tapat ng dressing table. Kinuha ko ang krus na kwintas na itinago ko sa drawer kanina.

"Hiro." Nilingon ko si Sirius. "His name is Hiro. He owns this necklace. Kung ano man ang nangyari sa aming dalawa, parehas naming alam na mali 'yon."

"Do you love him?" Diretso niyang tanong.

Bumalik sa salamin ang paningin ko at doon, nakita ko si Hiro na nakatayo sa likuran ko. Ngayon naman ay nakikita ko ang repleksiyon niya, hindi tulad dati.

May kung anong kumirot sa dibdib ko. Bumabalik na naman lahat ng sakit.

"I don't—not anymore." Matapang kong sagot habang nakikipagtitigan sa kaniya.

"Noona..."

Mabilis kong pinunasan ang luha sa aking pisngi pagkatapos ay tumayo habang hawak ang kwintas.

"Sirius, what I said was true. Guardian angels are only for children, and I despise myself for having one."

"Noona..."

"I even promised to help him in finding his necklace. Now that I've got it... He can go outside and look for it." I clenched my fist and threw it out the window.

"Noona!"

Hinabol pa 'yon ni Sirius at tinignan kung saan banda nahulog. Sinulyapan ko si Hiro, hindi ko mabasa ang mga mata niya. Hindi ko alam kung galit ba siya or what pero wala na akong pake.

Inirapan ko siya at padabog na lumabas ng sarili kong kwarto.

*****

Dinner. Wala ni isa sa amin ang nagsalita. Tahimik at busy sa pagkain ang lahat. Napansin siguro nilang wala ako sa mood ngayon.

Natapos ang kainan, naunang umalis si Imo Sohye na hindi man lang ako tinapunan ng tingin kahit isang beses. Sunod na umalis si Chairman na may binulong pa saglit kay Appa.

"Akyat na po ako." Paalam ni Sirius at tumayo na rin hanggang sa kami na lang ni Appa ang natira.

"Manang Selda..."

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now