CHAPTER 9

45 10 0
                                    

09: Angels Do Exist

Luna's POV 

"NOONA! Hindi ka nag-dinner kagabi." Nakasimangot na bungad sa akin ni Sirius nang makababa ako sa kusina.

"So what?" Inis kong sagot at pabagsak na umupo. "Manang, please prepare my breakfast." Baling ko sa 'family chef' namin na nakatayo sa gilid.

"Yes, Young Lady." Nilapagan niya ako ng isang pinggang kanin at dalawang hotdog na may itlog.

"Waegurae?" What's wrong?

"Sanggwan hajima." It's none of your business.

"Noona..."

Inis ko siyang tinapunan ng tingin, "Just eat, will you?"

Wala na siyang nagawa kundi sumuko.

Habang kumakain ay may napansin akong kamay sa tabi ko. Kamay ng taong nakaputing long sleeves.

Pasimple ko iyong sinulyapan at hindi nga ako nagkamali.

"AISH! JENJANG..." Damn. Pasinghal kong bulong sa hangin.

"Noona, nasa harap tayo ng pagkain." Suway sa akin ni Sirius.

"Wala na akong gana." Inis akong tumayo at tumalikod sa kanila.

Alam kong nagtataka na talaga si Sirius sa ikinikilos ko pero alangan namang ikwento ko sa kaniya lahat ng 'to. Sasabihan niya lang akong kulang sa tulog o 'di kaya ay gutom. Tss. Bahala siya! Basta wala ako sa mood!

Umakyat ako sa kwarto at kinuha ang shoulder bag ko pagkatapos ay bumaba ulit at sumakay sa kotse.

"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Nahampas ko na lang ang manibela sa sobrang badtrip.

Hindi ako tinatantanan ng elementong 'yon! Sinong hindi maiinis?!

Bumusina ako at madali namang binuksan ni Jerson ang gate. Nagmaneho na agad ako paalis nang walang kahit sinong sinasabihan kung saan ako tutungo.

"Bagalan mo lang." Napapreno ako nang wala sa oras nang may magsalita. Lumingon ako sa backseat at hindi nga ako nagkamali. Nandito na naman siya!

"Tantanan mo na 'ko, pwede?! Ayaw na kitang makita!" Inis kong bulyaw sa mismong pagmumukha niya.

Naglaho na naman siya kaya inis akong nagpatuloy sa pagmamaneho. Pupunta akong simbahan at baka dinedemonyo lang ako dahil sa masama kong ugali.

May nadaanan akong isang maliit na chapel. Hindi ko alam pero napukaw niyon ang atensiyon ko. Matapos mag-park ay tumakbo na ako papasok doon. Nilingon pa ako ng mga tao dahil sa ingay ng takong ko. Tss.

Bawal ba magtakong dito?! Mga ignorante.

Dumiretso ako sa isang kwarto kung saan nagkukumpil. Naupo ako roon at kumatok nang maraming beses.

"Ano ang iyong nais sabihin, kapatid?" Tanong ng pari sa loob.

"May sumusunod sa aking maligno, karma ko na ba 'to dahil sa ugali ko?" Diretso kong tanong.

"Maligno?"

"Actually, hindi ko alam kung maligno ba talaga. Tatlong araw na siyang sumusulpot kung nasaan ako. Sinasabihan ko siyang lumayo pero wala pa rin." Kwento ko sa kaniya.

"Dasal lang ang kailangan, anak."

"What?! Kaya nga ako nandito, e! Ipagdasal mo 'ko!" Hindi siya nakapagsalita. "Ano?! Sumagot ka—" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang may magtakip sa bibig ko at hilain ako palabas ng silid.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now