CHAPTER 3

63 11 0
                                    

03: New Home

Luna's POV

"Agassi, we're here." The man wearing all black bowed. Tila ba libing ang ipinunta nila rito sa Pilipinas, hindi mababakasan ng kahit anong kulay puti ang kanilang kasuotan.

"Ara." I know.

Tumayo na ako at isinuot ang itim kong salamin.

"I will accompany you Agassi until you get inside the car." Magalang na sabi ng lalaking nasa pinto ng eroplano.

Tinanguan ko na lamang siya at nauna nang lumabas. Habang pababa ng hagdan ay tumatama sa mukha ko ang sinag ng araw. Good thing, I put my sunglasses before going out.

I heard sobrang init dito sa Pilipinas kahit umaga pa lang.

Nilibot ko ang aking paningin at napagtantong nasa gitna ako ng malawak na field. May nakikita akong iilang eroplano pero medyo malayo sa pinag-landing-an namin. Siguro isa ito sa mga lupa ni Chairman sa loob ng airport.

Money can really buy anything, huh? But knowing Chairman, this is just a coin for him.

"This way, Agassi." Iginiya ako ng lalaki palabas nitong field. Pumasok kami sa loob ng isang malaking gusali.

May iilang napapatingin at napapalingon sa direksyon ko pero hindi na ako nagsalita. Siguro nagtataka sila kung bakit ako pinaliligiran ng mga lalaking a-attend ng libing. Sa kabila ng bulungan ay taas noo pa rin akong naglakad. Hindi ko rin naman masyadong naiintindihan ang mga sinasabi nila.

Otomatikong bumukas ang glass door at bumungad sa akin ang dose-dosenang mga kotse. This is obviously the parking lot.

"Agassi, here." Lumiko kami sa kaliwa at naabutan ko roon ang isang kulay itim na Mercedez-Benz E-Class.

I know this car 'cause I love cars.

Binuksan ng lalaki ang pinto sa backseat kaya pumasok na agad ako sa loob. Sakto namang nilingon ako ng driver na nasa harapan at malawak na nginitian.

"Good morning, Young Lady!" He greeted.

Imbes na bumati pabalik ay isinuot ko na lang ang earpods ko at nagpatugtog.

May isang lalaking nakaitim ang pumasok sa shotgun seat. May bantay pa rin pala ako hanggang dito sa kotse. Tss.

"President Hwang was really excited to see you, Young Lady!" He added as he started the engine.

"Ara." I know. Mahina kong sagot at tumingin na lamang sa labas ng bintana. Dahil umaga pa lang ay hindi kami nahirapan sa traffic. Kilala ang Pilipinas sa hectic roads kaya mabuti na lang talaga at maaga ako nakarating.

Alas-nwebe na nang tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion. Bumusina ito at otomatik na bumukas ang napakalaking gate. Pumasok kami sa loob at nang mai-park ang kotse ay unang lumabas ang lalaking naka-itim. He opened the door for me so I stepped out of the car. I was about to thank him when he closed the door and walked away. Napangiwi ako saglit bago tahimik na suminghal at umirap.

Hindi ko na masyadong matandaan ang mga alaala ko sa bahay na 'to dahil pagtungtong ko ng anim na taong gulang ay lumipad na kami patungong Korea. Hindi ko alam kung may mga nagbago ba o wala. Sana ay tulad pa rin ng dati ang lahat.

"Young Lady." Sabay-sabay na nag-bow ang mga nakahilerang kasambahay. I don't want to waste my time anymore so I started walking straight to the main door. A girl opened it for me.

Pagkaangat na pagkaangat ko ng aking paningin ay nakita ko agad si Appa. May hawak na cake at—

"WELCOME BACK, LUNAAA!" He screamed due to excitement.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now