CHAPTER 4

56 9 0
                                    

04: Jealousy

Luna's POV

"Ito pa... Pati sa kabila... Damihan niyo kasi! Kaya nalalanta agad, e!" Inis kong utos sa mga hardinera.

Sila ang in-charge sa kagandahan ng garden pero ngayong binisita ko, saka ko lang nalaman na hindi naman pala talaga maganda. Ang daming mga lantang halaman sa pinaka-dulo nitong hardin. Nakakainis, hindi man lang inaayos ang mga trabaho. Hindi porke maluwag ang tatay ko sa kanila ay lagi na lang ganito.

Sinuswelduhan sila nang maayos pero bara-bara naman ang pagt-trabaho, tss.

"Young Lady, mamamatay po ang mga halaman kapag nasobrahan sa tubig." Nakayukong sagot ng isa.

"Paano mo nasabi? Halaman ka ba? E, kung ikaw na lang kaya ang padiligan ko?" Mataray kong bulalas. "If that's how it works, wala sanang lantang halaman dito. Do you understand what I'm trying to point out? All of you are in-charged in managing the garden but you're not doing your jobs properly. What if you try drinking one glass of water a day? Do you think you're going to survive for a long time?"

Yumuko siya lalo dahilan para hindi ko na makita ang mukha niya.

Hindi niya ba naisip na kaya namamatay ang mga halaman ay dahil ang konti nila magdilig?!

"Kayong dalawa!" Tawag ko sa dalawa pang babae. Agad naman silang lumapit sa akin. "Diligan niyo 'to at nang makita ko kung mamamatay ba siya kapag nasobrahan."

Nanlaki ang pareho nilang mga mata.

"P-Pero Young Lady—"

"Gagawin niyo o kayong tatlo ang didiligan ko?"

"G-Gagawin po namin... Marjo, sorry..."

Dali-dali silang lumapit sa babae at binuhusan ito ng tubig.

Nagbilang ako ng sampung segundo bago sila pinahinto.

"Ano? Humihinga ka pa ba?" Sarkastikong tanong ko.

Tumango ang babaeng nasa gitna. Basang basa ang ulo at damit niya. Nakayuko pa rin siya pero dahil sa galaw ng kaniyang balikat, I know she's crying.

"Ayusin niyo ang trabaho niyo kung ayaw niyong magaya sa kaniya. Kapag nakita ko pa kayong pa-easy-easy lang diyan sa gilid, I'll throw you out of this mansion."

They both bowed as they asked for forgiveness but I just rolled my eyes and walked away.

They really like to ruin my mood.

Pumasok ako sa loob at naupo sa sofa. Binuksan ko ang TV at nanood na lamang.

Isang buwan na ang nakalilipas magmula nang dumating ako rito sa Pilipinas. Tatlong linggo na rin ang nakararaan nang matuto akong magtagalog at maintindihan ang tsismisan ng mga kasambahay. Ang dami kong naririnig pero mabuti na lang, hindi pa napupuno ang meter scale ng pasensiya ko.

'Yung kanina lang talaga ang hindi ko napigilan dahil naabutan ko silang nagtsitsismisan sa bench. Ang mas malala pa ay ako ang pinag-uusapan nila at 'yung Marjo ang may pinakamalakas na tawa. Nang magpakita ako ay saka lang sila nagsibalikan sa trabaho.

Ayoko nang ganon. Ayoko sa mga plastikera. Kung ayaw nila sakin, mas lalong ayoko sa kanila. Quits lang.

"Young Lady, ipinasasabi po ni President Hwang na may dinalaw lamang siyang pasyente sa ospital kaya baka mamayang gabi pa raw po siya makauuwi." Sulpot ng isang kasambahay.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now