CHAPTER 22

14 7 0
                                    

22: Uncover The Truth

Luna's POV

Wala sa sarili akong pumasok sa mansion. Para akong zombie na naglalakad at walang pake kahit pa nauntog na ako sa pader. Sobrang daming tumatakbo sa isip ko ngayon kaya nasobrahan din ang kalutangan ko.

Iyong kaibigang tinutukoy ni Jerson ay si Cloud na kaibigan ko rin. Iyong kakambal ni Cloud ay namatay sa Francian Hospital kasabay ng pagkapanganak ko. May koneksiyon ba ang mga nangyari? Tadhana bang makita at pag-aralin ni Imo Sohye si Jerson? Sabihin ko na ba kay Jerson kung nasaan si Cloud?

Wala namang rason kung bakit hindi pwede pero may parte sa akin na nagsasabing huwag muna. Hindi pa ngayon ang tamang oras.

"Noona, akala ko ba lunch ka lang mawawala. Bakit ngayon ka lang?" Bungad sa akin ni Sirius.

Hindi ko siya pinansin at dumiretso na agad sa kwarto ko.

Hindi ko na nagawang mag-shower, bumagsak ako sa kama at ilang sandali lang ay nakatulog.

*****

"Luna..."

Napalingon ako nang may tumawag sa aking isang malambing na boses. Wala akong nakitang kahit sino at purong puti lamang ang paligid.

Nasa langit na ba ako? Bakit? Sa sama ng ugali ko, parang hindi ako katanggap-tanggap dito.

"Luna... Anak..." Boses ng isang babae.

Anak?

"I miss you so much." Her voice echoed around the place which sent shivers down my spine.

I tried to say something but I couldn't hear my own voice.

"Galit ka ba sa akin, Anak?"

Anak? Siya ba ang aking ina?

'Show yourself to me!' Kahit pa wala akong boses ay sinubukan ko pa ring sumigaw.

"Pasensiya ka na, Anak. Patawarin mo 'ko. Kinailangan kong gawin 'yon para hindi ka magdusa sa piling ko."

I called her several times and couldn't help but feel frustrated. I didn't even realize I was crying silently without making a sound. In this lonely, cold place, my existence is nothing other than a deafening silence.

"Patawarin mo ako, Anak. Alam kong nasaktan kita... pero para ito sa ikabubuti mo."

Maski paghagulgol ko ay hindi ko marinig kaya mas lalong sumakit ang dibdib ko.

'Mama... Mama!'

I sat on the white floor, crying, until I noticed a pair of feet in front of me.

It crouched down, so I took the chance to see who it was. It was a lady who looks exactly like me.

Right now, a beautiful angel is standing in front of me. With his angelic face and mesmerizing wings, I'm sure she's an angel.

"Mahal na mahal kita." She gently stroked my hair with an apologetic smile.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now