12: Break Down
Luna's POV
"Noona, sabay ba tayo ng lunch mamaya?"
Hindi ko inalis sa daan ang paningin ko.
"Find friends and don't depend on me. Nasa college department ako at sa highschool ka naman, baka hindi magtugma ang scheds natin kaya mas mabuti kung sa mga magiging kaklase mo ikaw sumabay."
"What if wala akong maging kaibigan?" Nakabusangot niyang tanong ulit.
"Imposible. Sa daldal mong 'yan baka pagpasok mo pa lang ng classroom niyo ay may bestfriend ka na." It was supposed to be a joke, but my voice came off as icy as ice. I had no choice but to wait and hope that he would somehow understand.
"Basta kapag free ka ng lunch time like 12:20, sabay tayo, ha?" He insisted.
Tumango na lang ako. Ano pa bang magagawa ko kung gusto niya talagang sumabay sa 'kin.
Nag-park na ako sa malawak na parking lot sa harap ng Fuentablo University. Ibinigay ang schedule at room numbers namin noong nakaraang araw kaya wala na kaming poproblemahin pa sa mismong araw ng pasukan.
"Text mo 'ko, ha?" Habilin niya pa sa akin pero nakasenyas naman siya ng tawag gamit ang kamay. Napangiwi na lang ako sabay irap.
Tinaboy ko na siya gamit ang kamay ko at tinalikuran. Magkaibang direksyon ang tatahakin namin dahil hindi naman kami same department.
Habang paakyat ng hagdan ay may nakasalubong akong mga lalaking nag-uunahan sa pagbaba. Huli na nang makaiwas ako dahil nabangga na ako ng isa sa balikat. Nawalan ako ng balanse at muntik nang mahulog nang may humawak sa kamay ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi ko namalayang napayakap na pala ako sa kaniya.
"Hoy! 'Wag nga kayong magtakbuhan! Ang aga-aga, para kayong mga bata kung maghabulan!" Sermon niya sa mga lalaking sa tingin ko ay hindi na mga freshmen.
"Sorry, Pres! Nagmamadali lang po kami!" One guy answered.
"Kahit na! Paano kung nahulog ang freshman na 'to? Mga sophomore pa man din kayo. Kapag nabagok ang ulo niya ay siguradong patatalsikin kayo ni President Hwang."
Tinulak ko siya palayo sa akin dahil nakayakap pa rin pala ako sa kaniya. I don't hug guys, it disgusts me. Huling lalaking yumakap sa akin ay si Hiro. Ang letseng anghel na 'yun, ninakawan ako ng yakap three days ago!
"Sino ba siya, Pres? Bakit ba ang big deal? Hindi naman nabagok ang ulo niya, e." Kunot-noong sagot ng isa pang lalaki kaya nginisian ko siya.
"You don't know me?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kaniya.
"Magtatanong ba ako kung kilala kita." Pabalang niyang bawi kaya napasinghal na lang ako.
I looked back at the guy who saved me and said, "I assume you're the council president. Please give me the names of these five jerks so I could kick them all out."
"Yes, Young Lady." He nodded right away.
Perhaps Mrs. Puerta already notified him about my arrival kaya aware na siya kung sino ako.
Bakas naman ang magkahalong gulat, kaba, at takot sa mukha ng mga lalaki nang mapagtantong isa nga akong big deal.
"A-Anak ka ni President Hwang?!" Hindi makapaniwalang tanong ng lalaking sumagot sa akin kanina.
YOU ARE READING
Angel's Mission |Completed|
RomanceA spoiled brat who treats herself as a living princess met her own guardian angel. Little did she know that they already met eighteen years ago when she was born and he was dead. [ UNDER ULTIMATE REVISION ] --- DATE STARTED: 06/01/2020 DATE FINISHED...