Rain fell heavily in night time Quezon City as I sat by the window sa loob ng aking madilim na apartment. I gripped my phone in one hand and a warm cup of coffee in the other. I had been patiently waiting for a call na mukhang hindi naman magaganap.
Hindi ko naman talaga ugali na magbukas ng mga windows sa apartment. Pero pakiramdam ko lately ay parang nakakulong ako sa isang hawla. Nahihirapan akong huminga. And I felt so alone. So I went ahead and opened the windows. I prayed for the evening mist to come in and cool down the budding agony that I was feeling.
3 days more, I'll b back, luv. Usap tayo pagbalik ko.
Iyon ang sabi ng text message sa phone ko. Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang binabasa iyon. Magmula kasi nang matanggap ko ang text na iyon ay wala na akong narinig pa na balita tungkol sa taong nag-send no'n.
Magdadalawang linggo na ngayon. God knows how much I miss the person who sent that message!
Ang dami kong gustong sabihin sa kanya kaya patuloy akong naghihintay. But the waiting time was starting to feel like an eternity, and it's now making me wonder... Talaga bang babalik pa siya sa akin? Feeling ko ilang dekada na ang lumipas since I last heard him speak.
A strong gust of wind blew open the window next to where I stood. Naglakad ako papunta sa living room at inilapag ko ang aking phone sa center table. Pagkatapos ay bumalik ulit ako sa dati kong puwesto and proceeded to close the window. But then natigilan ako when I saw the flickering streetlight by the sidewalk sa harap ng aking apartment.
Isasara ko na dapat ang bintana nang bigla na namang dumaan ang malakas na ihip ng hangin. Agad kong niyakap ang aking sarili at napatalikod ako. The mist and cold wind blew past me and brought me down the memory lane.
Now facing the darkness of my apartment, malungkot akong napatitig sa center table kung saan naroon ang aking phone. Then I transfixed my gaze to the wall na kaharap lang ng aking kinatatayuan. Doon ay nakita ko ang nag-iisang anino ng babaeng nakatayo sa may bintana at yakap-yakap ang kanyang sarili... habang hinihintay na maganap ang isang bagay na tila imposible nang mangyari.
The booming thunder outside echoed along with my aching heart. Humarap ulit ako sa nakabukas na bintana at tumingala sa napakadilim na kalangitan. Dahan-dahan akong pumikit at umusal ng isang maikli at taos pusong panalangin.
"Rain, please... ibalik mo naman siya sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Pakiusap naman o. Kailangan ko siyang makita ulit. May sasabihin pa ako sa kanya."
I sounded desperate. Medyo OA pakinggan. I know. Pero nag-aalala at nangungulila na talaga ako.
As my heart grew heavy with longing, my mind slowly drifted to days long passed. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. I can still remember everything so well... back when I was reckless and carefree.
Unspoken words. Soundless tears. Selfish emotions. Pride. At ang mga totoong pakiramdam na pilit kong ikinaila. Lahat ng iyon ay mga life lessons na hindi ko pinansin. Until...
BINABASA MO ANG
Shadows in the Rain | FILIPINO | Completed
Romance"3 days more, I'll b back, luv. Usap tayo pagbalik ko." Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang binabasa iyon. Pero magdadalawang linggo na ay wala pa rin akong narinig na balita mula sa kanya. The waiting time feels like an eternity, and it's...