Friday morning.
Wala kaming pasok dahil sa week-long University Intramurals. Pero alas sais pa lang ng umaga ay nilusob na ako ng tatlong maiingay kong beshies sa apartment. Madali silang nakapasok dahil binigyan ko noon si Madison ng duplicate na susi sa front door for emergency purposes. Pilit nila akong ginising sa aking bedroom.
"Ano ba?! Magsilayas kayo, inaantok pa nga ako, eh," I said, covering my head with a pillow.
"Bumangon ka na! Ay, naku! Naga-antok antukan ka lang naman kasi ayaw mo talagang pumunta sa departmental basketball match, eh!" inis na bulyaw ni Madison.
Ouch! Gano'n ba ako ka-obvious?
Napabangon ako against my will. Inis na napakamot ako sa aking ulo.
"Hindi naman required ang presence ko do'n! Ando'n si Kath, ando'n si David, si Neo, si Steph, si Cliff, at baka pati na rin si Ronald. Ando'n sila lahat. Panggulo lang ako do'n!"
Tinampal ni Sidney ang noo ko bago niya ako sinermonan.
"Ah! So feeling mo magkakagulo sa Intramurals kapag nagpakita ka? Wow, sis! Haba ng hair! 'Wag kang feeling, oy, hindi ka kasing ganda ni Miss Universe ha. At please, 'wag mo nang problemahin pa si Ronald. Naka-move on na 'yon sa 'yo. May bagong chick na 'yon ngayon."
Oh, really? Good for him.
"Sis, sumama ka na. Kabilin-bilinan ni fafa Steph na isama ka daw namin para gaganahan siyang maglaro despite his injury. Magtatampo 'yon, sige ka! Kahit ayaw mong magpakita kay fafa Cliff, pumunta ka pa rin para kay fafa Steph... o kay fafa cap... o kung sino man ang gusto mong i-cheer," sabad ni Hillary.
"Sige na, sasama ka na. By hook or by crook. Hindi ka magmumukmok dito buong araw," desididong sabi ni Madison.
Mukhang kakaladkarin talaga ako ng tatlong 'to kapag magmatigas pa ako. Heto na nga, sasama na nga!
Marami-rami na rin ang tao sa bleachers nang makarating kami sa covered court. Pero dahil mga feeling VIP kami ay sa first row ng bottom bleachers kami naupo. Pina-reserve kasi talaga nina Stephen ang seats namin para makapanood daw kami ng maayos at kumportable.
Sa kabilang dulo ng seats namin ay naroon ang platform stage para sa mga cheerleaders. Iisipin ko pa lang na ang lapit lapit namin sa grupo nina Katherine ay nawawalan na ako ng gana para manood ng match.
Nasa gilid ng court ang lahat ng members ng varsity team dahil sila ang magsu-supervise ng departmental match. Automatic rin silang maglalaro kapag turn na nilang mag-represent ng kani-kanilang departments.
"Fiona! Sid! Madz! Hill!"
Napalingon kami sa direksyon ng court nang marinig ang malakas na pag-roll call ni Stephen sa mga names namin. Katabi niya si David sa isang side. Sa kabilang side naman ay si Neo at ang iba pang members ng varsity sa mga kasunod na chairs. Agad namin silang kinawayan at nginitian.
"Team rocket for the win!" malakas ding bati ni Neo sa amin, kung greeting man na matatawag iyon.
Natatawang kinawayan ko na lang ang team captain ng varsity. Ngunit napa-behave ako nang mahuli ko na nakatitig pala si Cliff sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.
BINABASA MO ANG
Shadows in the Rain | FILIPINO | Completed
Romance"3 days more, I'll b back, luv. Usap tayo pagbalik ko." Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang binabasa iyon. Pero magdadalawang linggo na ay wala pa rin akong narinig na balita mula sa kanya. The waiting time feels like an eternity, and it's...