- Chapter 7 -

185 14 14
                                    

________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

________________________

"Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay 'yong time na nag-celebrate kami ng anniversary. I told him back then that I hated anniversaries. Wala rin namang silbi ang mga iyon dahil mauuwi lang din sa hiwalayan pagdating ng araw. But he also knew that, in my heart, I secretly wished for an anniversary.

We danced under the moonlit sky while listening to the melodies of our hearts. May mga naggagandahang flowers sa paligid namin. I loved the way he held me in his arms."

________________________


"So, it's official? Kayo na nga ba talaga, as in?" Madison asked.

Agad akong napailing. Eh, kasi hindi ko rin naman alam ang sagot sa tanong na iyon. As far as I was concerned, mukhang wala pa namang 'kami' and there was nothing 'official' between us.

Nakatambay ang grupo namin sa living room ng apartment ko that Saturday evening. Nagchi-chikahan lang kami over potato chips, a bottle of Sangria, and a game of tong-its.

Yes, naglalaro kami ng tong-its, with barya-baryang pustahan pa. But lady luck wasn't on my side tonight. Kanina pa ako natatalo at paubos na ang mga barya ko. Nagliliwaliw kasi ang utak ko kaya hindi ako makapag-concentrate sa laro.

The Spanish red wine I was sipping at that very moment made me reminisce about the kiss that Cliff and I shared in the rain a few days back. At that time, klarong-klaro sa pandinig ko na sinabi niyang mahal niya ako. I heard it through the howling wind and the heavy downpour. Nakagat ko ang aking lower lip nang maalala ang tagpong iyon.

"Shame... Ibalato mo na lang si supahfafalicious sa 'kin, sis," Sidney said.

Awtomatikong nagbalik sa living room ang nagliliwaliw kong isipan. I rolled my eyes and suppressed a laugh when I heard Sidney's statement. My friends always knew what weird things to say. Kung hindi ko lang sila mga tunay na kaibigan, iisipin ko na binu-bully nila ako.

"To be honest, hindi ko alam. Hindi naman namin napag-usapan ever ang tungkol sa bagay na 'yon," I told them after putting a card down.

"Siguro hinihintay ka lang niya," Hillary said.

"Ako? Bakit naman siya maghihintay sa 'kin?" I asked.

"Baka tama si Hill. Siguro hinihintay ka niyang maging handa para pag-usapan ang tungkol sa inyong dalawa," Madison agreed.

I shrugged. Kailangan pa ba'ng hinihintay 'yon?

"I don't know. Sa tingin ko hindi ako kailanman magiging handa para pag-usapan ang mga ganiyang bagay. Para kasing napaka-seryoso at complicated i-discuss. I think it's kinda scary," I said.

What would be the point anyways? May implied mutual understanding na rin naman kami ni Cliff. Okay na 'yon. Hindi ba pwede na mag-go with flow na lang muna kami at obserabahan kung hanggang saan kami makarating? No discussions. No expectations. No close commitments... at least not yet.

Shadows in the Rain | FILIPINO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon