It felt like a tension of some sort had suddenly risen in the small space between the three of us as we stood quietly by the doorway. Makalipas ang ilang seconds, na-realize ko na kailangan ko nang magsalita.
Clearing my throat, I hastily said, "Uhm, Cliff! Nandito ka na pala! Please, tuloy ka."
I stepped aside the door at pasimpleng itinulak paatras si Neo. I was relieved nang pumasok si Cliff sa apartment. He didn't utter a single word, though. Dumiretso lang siya sa living room, walang ka-emo-emosyon ang mukha niya. Hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya nang mga oras na iyon.
I cleared my throat again before I spoke.
"Uhm, Cliff, si Neo nga pala—" I said, awkwardly introducing them to each other, pero pinutol ni Neo ang iba ko pang sasabihin.
"Oh, we already know each other," Neo said.
"Ay oo nga pala! M-magkasama kayo sa varsity team." Muntik ko nang matampal ang sarili kong noo.
"What's up, bro? Sorry, 'di ko alam na magkakilala pala kayo ni, Fiona," Neo greeted with a smile, reaching out a hand to Cliff.
Still unemotional, Cliff stared at Neo's hand for seconds before he finally took it with a firm and brief handshake. Hindi pa rin siya nagsalita.
"Pambihira, ba't 'di mo naman naikwento na magkakilala pala kayo ng point guard namin?" Neo asked me. And to make matters worse, he added, "Hindi ka talaga niya naikuwento sa 'kin, bro. Ba't ka nga pala nagpunta dito? Ako kasi kaka-shower—"
Sa inis ko ay palihim kong nahampas ang likod ni Neo. Agad siyang natigil sa pagsasalita at nakangiting lumingon sa akin. Ang daldal din kasi nito kung minsan, eh! Walang preno. Kung may busal lang sana ako ay kanina ko pa siguro itinakip sa bibig niya.
"Magbihis ka na at baka maitapon kita sa labas na parang Pokemon," pabulong kong banta sa kanya nang hindi inaalis ang fake na ngiti sa mga labi ko.
"Sige, bro, akyat muna ako sa taas. Magbibihis lang ako," Neo said, turning back to Cliff.
I forced a smile again and nodded for him to go on. Nang makaalis na si Neo sa harapan ko ay agad akong dumiretso sa kitchen, hoping to steer clear of the awkwardness.
"Cliff, nag-breakfast ka na? I made some. Halika, sabayan mo 'kong kumain, 'di ko naman mauubos lahat 'to," I called out as I settled on my seat beside the table.
When I looked up, nakatayo na si Cliff sa tabi ng kitchen counter. His dark, smoky eyes intently stared at me. Feeling ko ay malulunod ako sa paraan ng pagkakatitig niya anytime soon. Nakatayo lang siya doon na parang isang brooding Roman statue, unemotional and silent. His masculine arms were folded against his solid chest.
"I'll just drink some water," he finally spoke.
Kumuha siya ng baso sa cupboard at naglakad palapit sa cold water dispenser.
A few minutes later, narinig namin ang mga yabag ni Neo na papunta sa kitchen. Nakabihis na siya ng casual attire nang tumambad siya sa harapan namin. Ang sporty pa rin ng dating niya.
"Fiona, I believe this belongs to you," he said.
Inabot niya sa akin ang isang pamilyar na libro.
I looked down at his hand and gasped in relief. Iyon ang book na kagabi ko pa hinahanap para sa aking research project.
"Oh, my God! Neo, kagabi ko pa hinahanap 'to," I said.
BINABASA MO ANG
Shadows in the Rain | FILIPINO | Completed
Romance"3 days more, I'll b back, luv. Usap tayo pagbalik ko." Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang binabasa iyon. Pero magdadalawang linggo na ay wala pa rin akong narinig na balita mula sa kanya. The waiting time feels like an eternity, and it's...