- Chapter 1 -

212 14 4
                                    

________________________

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

________________________

"Hi! Fiona! Twenty years old!"

That was what I first uttered when I met Cliff one rainy afternoon.

________________________

It was supposed to be a bright sunny day at the AsiaPhil International University campus. Kaya naman isinuot ko ang aking floral sleeveless dress along with my favorite pair of chic doll shoes. But then, mukhang nag-epic fail na naman ang weather forecast ng aking smartphone. And now the whole afternoon got my pretty shoes all soaking wet in the rain.

And did I forget to mention na hindi ako nakapagdala ng umbrella? Oh, daaarn it! Hanggang kailan ba ako pahihirapan ng bigla-biglang pagbuhos ng ulan? Bakit ba hindi talaga kami nagkakasundo ng Philippine tropical climate?!

About the university I was enrolled in...

Isa ang AsiaPhil sa mga tanyag at mamahaling universities ng bansa. So, yes, dito sa loob ng malaking campus namin ay may isang Asian fusion food court, isang café, dalawang fine dining establishments, and thirteen outdoor food stalls.

Mayroon din ditong several on-campus housing options. Well-off students can choose between single or double room dormitories, studios, and apartment-style housing. But in my case, I preferred to rent a nearby two-storey apartment outside the campus.

Naglalakad ako ngayon sa shaded pathway patungo sa Fusion Brews, the sole café on campus. My hair was all damp from the sudden heavy downpour. Kakapa-rebond ko pa naman noong isang araw. Bad trip!

Tapos feeling ko pa ngayon ay lalagnatin at sisipunin ako dahil medyo nabasa ako nang biglaang bumuhos ang ulan. Sobrang nilalamig na ako! That's why I badly needed to get my hands on a cup or two of hot coffee. Kung wala lang sana akong klase in an hour, nakabalik na sana ako sa apartment ko.

I was now hugging myself, looking downwards habang mabilis na tinatahak ang pathway. Wala akong pakialam sa mga kapwa estudyanteng nadadaanan ko. I was just walking and walking and walking until...

"Awww! Araaay," impit na daing ko nang biglang tumama ang noo ko sa isang iron post at naramdaman ko na lang na bumagsak ang puwetan ko sa sementadong pathway.

Na-outbalanced ako patungo sa lintik na iron post nang may mabangga akong isang bultong sumalubong sa dinadaanan ko.

Saglit na tumigil sa paglakad ang mga estudyante sa hallway nang nasaksihan nila ang nangyari sa akin. Nakakahiya! Feeling ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha. I awkwardly blushed in embarrassment! Nadinig ko pang tumawa ang ilan sa kanila. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagpatuloy na sila sa paglalakad.

Humugot ako ng isang mabigat na buntong hininga at kumilos na para tumayo. Nang akmang pupulutin ko ang aking backpack ay may biglang humawak sa aking braso. Natigilan ako nang inalalayan niya akong tumayo. Siya na rin ang kusang pumulot sa aking backpack.

Shadows in the Rain | FILIPINO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon