- Chapter 6 -

185 14 15
                                    

Days turned into weeks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Days turned into weeks. Three weeks to be exact. Busy pa rin ako sa pakikipaglaro ng hide and seek with Cliff. To be honest, the whole charade I've started was tiring me out already. I missed him terribly. Maliban sa dad ko, I had never missed a guy so much in my whole twenty years of existence.

Nakakapagod din pala, lalo na kapag gusto mo na parating nakikita ang isang tao para maging buo ang araw mo. Mukhang nahahalata na rin ng beshies ko ang palihim na pangi-istalk ko kay Cliff. Teka, bakit ko nga ba ginagawa 'to? What was the point anyway?

Of course, nagtatagpo pa rin ang landas namin ni Cliff sa campus. He would just stare at me for a second and then he would walk past me. Hindi na kami muling nag-usap pa ever since that incident in the library. Inaamin ko na medyo naging harsh ang words ko at that time. Pero ano ang magagawa ko? Talagang epic fail ako when it comes to the emotional game.

Ilang beses ko siyang nakita na kasama niya si Katherine. Mukhang masaya siya sa tuwing nag-uusap sila. I assumed na close na sila sa isa't isa, probably as close as he was with me before. Deep inside, though, hinihiling ko na sana mali ang iniisip ko.

Cliff would stop and stare at me every time our paths crossed. I could feel na sinusundan niya ako ng tingin sa tuwing napapadaan ako. Palagi ko siyang napapansin in the corner of my eye. It made me missed him even more.

Oo, guilty na ako. Ang sarap iuntog ng ulo ko sa glass window. Maldita ka kasi, gurl!

May mga oras na gustung-gusto ko na'ng tumakbo pabalik sa kanya. I wanted to tell him how much I missed him, hug him and never let go. But I held on to my dwindling pride. I decided na hindi ako ang magiging tipo ng girl na naghahabol ng guy.

Bahala nga siya sa buhay niya! Cold war is real! Manigas kaming dalawa!


"You know what? Gaga ka rin talaga, ano? Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Halata naman na bet mo 'yong tao," Madison said.

I and my squad gathered in a circle on the grass under a tree that afternoon. Nasa campus park lang kami nakatambay. Busy ako sa pagba-browse ng websites sa aking laptop, samantalang ang mga friends ko? They were busy making me feel worse.

"And obvious rin na bet ka rin naman niya. Jusme! Halatang-halata sa paraan ng mga pasulyap-sulyap niya sa 'yo. Sino ba'ng niloloko mo?" Sidney said habang nagse-selfie shots gamit ang phone ko.

"Tsk. Akin na nga 'yan! Sa dami na ng mukha mo dito baka mapagkamalan pa na phone mo 'to," I said as I grabbed my phone.

"Alam mo, sis, if you find the guy that's just right for you, you should lock him down for life like a safety deposit box," Madison quipped.

"Ano ba'ng pinagsasabi mo? Saang romance novel mo na naman nakuha ang kakornihang 'yan?" I asked.

Madison rolled her eyes in disappointment.

Shadows in the Rain | FILIPINO | CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon