Three days...
Three days na ang nakalipas at hindi ko pa rin nagawa na mag-spend ulit ng time with Cliff. Nagkikita pa rin naman kami sa campus... pero sandali lang kaming nag-uusap at puro small talks lang ang kadalasan na topic namin. Minsan ay kinakawayan at nginingitian na lang namin ang isa't isa kapag nagtatagpo kami sa pathways.
Malapit na akong ma-inis at hindi ko maintindihan kung bakit. Nandiyan lang siya sa paligid, madalas na abot tanaw ko lang, pero parang ang layu-layo na ng agwat namin sa isa't isa. Argh! BAKIT, fafa?!
"Sis, why are we here again?" tanong ni Sidney.
Nang hapon na iyon ay nagpumilit siya na sumama kung saan ko raw gustong pumunta. Umabsent siya sa klase nila dahil hindi niya daw feel mag-aral that day. Tinatamad daw siya. #KidsWagTularan #BadExample
Nasa back corridor kami ng basketball gym (a.k.a. covered court) nang oras na iyon. Sinisilip namin sa munting siwang ng malaking pinto ang mga varsity athletes na kasalukuyang nagte-training sa malawak na court sa loob.
May narinig kasi akong balita na nagpa-try outs daw kahapon ang basketball team. At ngayon ay may bago na daw silang point guard na isang transfer student from Spain. Mahusay daw itong maglaro. Pang-NBA ang peg! Siyempre, na-curious lang ang beauty ko!
"Sshh! Tumahimik ka nga. Gusto ko lang sanang mangumusta kay Steph! Hindi ba hinahanap niya nga ako? Ayun siya o! Kausap yata si Neo," sagot ko sa napakahinang boses.
"Ows? Eh, bakit tayo nagtatago dito? Tara, let's march in! At teka, bakit ka ba bumubulong sa 'kin?" reklamo ng maingay kong beshie.
Bakit pa kasi ako pumayag na samahan niya ako? This should have been a covert and solo stalking operation. OMG! Nagiging stalker na ba talaga ako? Sa ganda kong 'to?!
"Naku ha! Talaga ba na si fafa Steph ang pakay mo? Why do I have this feeling na may maitim na balak ka... either kay captain Neo OR... sa bago nilang point guard. Hmm..."
"Oy, lukaret na 'to! Hindi ko alam 'yang sinasabi mo ha," agad kong depensa.
"Oks lang 'yan, sis! Ano ka ba? Willing naman akong maging accomplice. So, sige na, pray tell. Sino ba talaga ang ini-i-stalk natin?" she said.
"Stalk agad? Si Steph nga ang sadya ko dito," pagmamatigas ko pa.
"K, fine! Whatevah," sarcastic niyang sagot while rolling her eyes and raising her kilay.
Agad kaming nagkatinginan nang marinig namin ang papalapit na mga yabag at boses ng mga basketbolistang tapos nang mag-training for the day. Dahan-dahan akong humakbang paatras.
Sinenyasan ako ng naiinis na si Sidney na pumasok na kami ng sabay sa loob. Iling lang ang naisagot ko sa kanya. Ayaw ko nga! Pumasok kang mag-isa kung kaya ng powers mo... kasi ako... mukhang 'di keri ng powers ko! Sorry, sis!
Bakit gano'n? Bakit parang kinakabahan at nahihiya ako? Hindi na dapat ako natutuliro dahil kilala naman ako ng lahat ng members ng AsiaPhil basketball team, lalo na ng vice captain nilang si Stephen at team captain na si Neo. Pero bakit parang nahihirapan akong huminga nang mga sandaling iyon?
Nang tuluyang bumukas ang pinto sa harapan ni Sidney ay kumaripas na ako ng takbo. Agad akong pumasok sa pinakamalapit na pintuan. Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng bagong paligid na kinaroroonan ko.
Mukhang locker room yata itong napasukan ko. Biglang parang bubble na pumasok sa imagination ko ang eksena ng varsity athletes habang sabay silang naliligo sa individual shower heads. Dahan dahan nilang sinasabon ang biceps nila patungo sa chest... pababa sa abs and then... OMG! Lower pa?!
BINABASA MO ANG
Shadows in the Rain | FILIPINO | Completed
Romance"3 days more, I'll b back, luv. Usap tayo pagbalik ko." Hindi ko na mabilang kung ilang ulit ko nang binabasa iyon. Pero magdadalawang linggo na ay wala pa rin akong narinig na balita mula sa kanya. The waiting time feels like an eternity, and it's...