Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Kabanata 4

7.3K 457 113
                                    

"ANONG AKALA NIYA SAKEH?"

Nagulat si Aurea nang may biglang may humarang sa dinaraanan niya. Pag-angat niya ng mukha ay bumungad sa kanya ang humahangos na traffic enforcer. Napakurap-kurap siya. Teka, parang masama ang feeling niya rito.

"Kanina pa kita tinatawag at pinipito, 'di ka lumilingon," hinihingal na sabi ng traffic enforcer.

"A-ako po?" Turo pa niya sa sarili. "Bakit?"

"Bigla kang tumawid. 'Di mo ba nakitang NO JAYWALKING, ha?" Nasundan niya ang pagturo nito sa sign kung saan siya tumawid.

Napangiwi siya.

Talaga naman oh, kapag minamalas!

Mabilis na pinagdaop niya ang mga palad. "Chief, sorry. Sorry, Chief! 'Di ko nakita, eh."

Inilabas nito mula sa belt bag nito ang maliit na mga papel nito. "Hindi. Magbabayad ka o isasama kita roon sa bus?" He pointed out the direction of the old bus na naka-park sa malapit.

"Wala akong pera, eh."

"Okay, mag-seminar ka na lang."

Tsk! Malas talaga. Nilingon niya ang daan kung saan huminto ang kotse ni Tor pero wala na ang loko. Sagad na ang inis niya sa lalaki. Argh! Ma-flat sana gulong ng sasakyan mo, Kale Thomas Velez!




TUMAMBAY MUNA SI AUREA sa silid ng Lolo Pol niya. Tamang Indian sit lang ang ginawa niya sa itaas ng kama nito habang nag-iisip. 

Alam kaya ni Lolo ang tungkol sa kwintas na 'yon? Baka kaya siguro hindi pa siya natatahimik kasi 'di pa naibabalik ang kwintas na 'yon sa may-ari? Pero bakit ganoon? Bakit kahit nakakakita ako ng mga kaluluwa ay hindi ko naman nakikita si Lolo ? 

"Lolo?" Iginala niya ang tingin sa paligid. "Nandiyan ka ba? Kaya ba nandito ka pa dahil sa kwintas na 'yon?"

Early last year, namatay ang lolo niya. Pero hanggang ngayon, nararamdaman pa rin niya ito sa bahay. Parang nandito lang ang Lolo Pol niya at nagbabantay sa kanila. Nawawala lang ito saglit pero bumabalik pa rin ito. Hindi nga lang niya alam kung bakit 'di ito nagpapakita sa kanya.

"Ibinalik ko na sa kanila ang kwintas. Matatahimik ka na po ba, Lo?"

Bumalik sa isipan niya ang seryosong mukha ni Tor kanina. Bakas ang galit sa mukha nito pero kitang-kita niya naman ang lungkot sa mga mata nito. Na-curious tuloy siya rito. Naisip niya kung anong klaseng tao ito bago nasaktan.

May dalawang rason kung bakit nagbabago ang isang tao. Una, dahil nasaktan ito. Pangalawa dahil nagka-amnesia. Chos! 'Di, joke lang. Second, dahil may nag-inspire ditong magbago.

Pero ang point niya, may gestures kasi ito na pinapakita na bumabagabag sa kanya.

Una ang pagiging magalang ni Tor sa lola nito. Pangalawa, mga simpleng gesture na pagbukas ng pinto. Paghihintay nito sa kanya kapag nahuhuli siya ng lakad. Hinihintay siya nitong makaagapay. Maliban na lamang kung napapansin ni Tor na sinasadya niyang magpahuli.

Yes, he's straightforward and kind of offensive. Pero may good things pa rin talaga sa kanya. Ah, alam na ko ang sagot. Karupukan, Aurea. Marupok kang tunay. Dini-defend mo kasi bet mo. Mukha mo, Aurea Feliz!

Marahas na umiling siya at kinutusan ang sarili.

Aurea, focus! Hindi ka magpapatapak sa mga ganoong klase ng tao. You are better than that!

FDA 1: THE DOUBTER'S FORTUNE TELLER BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon