Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

PROLOGO

24.1K 718 178
                                    

AGAD NAMILOG ANG MGA mata ni Aurea nang maupo ang isang guwapong lalaki sa humihiyaw niyang neon purple stool chair sa harap ng maliit niyang mesa sa sidewalk. Nanghuhula siya malapit sa Basilica del Santo Niño tuwing Martes at Biyernes. Mas malakas kasi ang powers niya sa mga araw na 'yon.

She can't really explain it, pero mas malinaw ang guhit ng mga palad at mas madaling pasukin at basahin ang personalidad ng tao kapag nanghuhula siya sa mga araw na 'yon.

Kaswal lang ang suot ng lalaki pero nakikita niyang hindi ito basta-basta. Kahit ang simpleng navy blue nitong polo shirt at dirty white pants ay hindi naitago ang istrikto nitong awra. Clean cut hair, matangos ang ilong, bahagyang makapal ang kilay, at mapula ang labi nito. Hindi ito maputi at hindi rin moreno, sakto lang. Matangkad ang lalaki at mukhang hanggang balikat lang yata siya nito kung papalarin. Ayaw niya na lang mag-talk sa height niyang 4'11''.

Masasabi niyang mahirap magsinungaling kapag tumitig na ang mga mata nito. He looks like a man with power and conviction. Kahit ang style ng pagkakaupo nito sa harap niya ay nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam. Tuwid na tuwid at pormal na pormal. Para bang may mga tanong ito na mahihirapan siyang sagutin nang hindi nauutal.

Biglang na-imagine ni Aurea ang sarili sa loob ng isang madilim na silid na walang pinto. Isang di-cord na bombilyang ilaw ang nakalawit sa pagitan nilang dalawa mula sa kisame at iyon lamang ang tanging bumabasag sa kadilimang namamayani.

Inihanda niya ang mga tarot cards at isinalansan 'yon sa mga kamay.

Sino ang lalaking 'to?

Titig na titig sa kanya ang lalaki at halatang diskumpyado ang uri ng tingin na ibinibigay sa kanya. Hindi siya nagpatinag at ibinalik niya ang kaparehong intensidad ng tingin sa lalaki. Mukhang wala naman yata itong balak na magpahula sa kanya dahil malamang sa malamang ay hindi ito naniniwala sa mga ganoong bagay.

Alam ni Aurea ang mga tinging 'yon. Nababasa niyang may trust issues ito sa buhay lagi. Hindi ito agad naniniwala sa mga sabi-sabi at naririnig lang nito. Hinahanapan nito lagi ng mabigat na katibayan ang lahat ng mga akusasyon o kuro-kuro.

To see is to believe, ika nga.

One hundred percent sure siyang ang lalaking 'to ay isa sa mga tao sa mundo na mahirap lokohin at paikutin sa kamay. At may idea na siya kung ano ang lalaki at kung anong klaseng trabaho ang mayroon ito.

Ibinaba ni Aurea ang mga baraha at bumuga ng hangin.

"Kahit na hulaan kita, alam kong 'di ka pa rin maniniwala sa 'kin," basag niya.

Humalukipkip ito at arogante siya nitong tiningnan. Nakataas pa nang bahagya ang isang kilay nito. Nanlaki ang butas ng ilong niya at napasimangot.

Ano bang trip ng 'sang 'to?

"Ano bang kailangan mo?" mataray niyang tanong sa pagkakataon na 'yon.

"Aurea Feliz Feliciano?"

Nanlaki ang mga mata ni Aurea. "Paanong—"

"Twenty-three."

"Bakit mo ako kilala?"

"I'm Kale Thomas Velez," he paused, "your husband-to-be."

Umawang ang bibig niya.

"Pot—"

"No profanity, young lady."

"Pocha! Seryoso ka ba?!" sigaw niya na siyang nagpatingin sa mga tao sa kanila.

"Manghuhula ka, ano sa tingin mo?"

At ang antipatiko ng walang'ya!

FDA 1: THE DOUBTER'S FORTUNE TELLER BRIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon