Chapter 1: Conflict

395 84 354
                                    

"Camille, wait!" sabay hila ng binata sa braso niya.

Ngunit ipiniksi ito ng dalaga. Sabay dapo ng isang malakas na sampal sa mukha nito. Kita sa binata ang pagkagulat sa ginawang iyon ng dalaga. Ngunit kakikitaan naman ng galit at pagkamuhi ang sa dalaga.

"I told you to stop following me!" malakas na sigaw naman ng dalaga rito.

"Let me explain, please," pagsusumamong wika naman ng binata.

"Explain? Explain you say?! How can you explain to me what I've seen? Oh! You're gonna tell me that you tripped over and your lips fell on hers? Gano'n ba?! Stop making me an idiot!" galit na galit na sigaw naman ng dalaga sa binata habang walang tigil ang pag-agos ng luha nito.

"No Camille. Just please let me explain." Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay marahas na tinanggal ng dalaga ang mga kamay ng binatang nakakapit sa kanya.

"Steven, stop!" sigaw mula sa di kalayuan.

Parehong napalingon naman ang dalawa sa pinagmulan ng tinig. At ang dalagang kaninang galit na galit ay lalong nagpuyos ang kanyang kalooban.

"Stop begging her. She won't listen anyway," malakas na loob na wika nito at lumapit sa binata. "Am I right, Camille?"

Ngunit imbes na sumagot ang dalaga ay isang sampal ang pinadapo niya sa mukha nito. Pagkagimbal naman ang mababakas sa mukha ng babae habang hawak-hawak ang pisngi nitong tila nanakit sa lakas nang pagkakasampal.

"You are right! I don't listen to traitors!" may pagkauyam na wika nito. At saka na tinalikuran ang dalawa.

"Aaaaaaand...cut! Good take guys! Dara, Kenzo great job!" Lapit ng direktor sa mga 'to. "We can shoot the next scenes after a month. So yeah, both of you can relax now."

"Thanks direk." Sabay na wika naman ng dalawa.

--------------------

KASSANDRA's POV

"Oh my gosh! Are you okay?" lapit ko kay Jenny pagkaalis ni direk. Her face looks swollen because of my slap. "Napalakas ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"It's fine. Hindi naman gano'n kalakas," sagot naman nito pero hawak-hawak pa rin ang pisngi niyang sinampal ko during shoot.

"It's not. Wait!" Saka ko hinanap ang P.A/Manager ko. "Ate Annie!" tawag ko rito nang makita ko siya sa di kalayuan.

Lumapit naman ito pagkarinig sa akin. "Pakilagyan naman po ng ice pack 'yong face ni Jenny. Napalakas ata 'yong sampal ko kanina. Sorry Jen." Tatanggi pa sana si Jenny ngunit inalalayan na siya ni ate Annie papuntang dressing room.

"You were great back there!" biglang wika naman ni Kenzo habang sinasabayan niya kong maglakad pabalik ng waiting area. "May pinanghuhugutan?" dagdag pa nito. Pero tinawanan ko lamang siya. Kenzo is my love team. At siya rin ang leading man ko sa movie na shinoot kanina.

"What made you say that?" curious na tanong ko rito.

"Well, para kasing may hugot," kibit-balikat naman na sagot nito.

"Sira! You know that I have a perfect relationship with Dylan," natatawang sagot ko sa kanya. I called it perfect because we seldom fight. And of course, we do love each other.

Before I Fall in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon