Chapter 5: Messed Up

158 51 208
                                    

ZION's POV

Wala na 'kong nagawa kundi buhatin papasok ng suite ko ang babaeng nagcollapse matapos akong sukahan. She never press which floor she's alighting at hindi rin naman safe sa kanya ang maiwan mag-isa sa lift lalo na sa kalagayan niya ngayon. I wasn't that bad after all.

I really can't bear the smell emitting from her especially from my clothes that she ruined. Kaya kaagad ko naman siyang ibinagsak sa sofa at mabilis na dumiretso sa toilet.

The smell and the feeling of being wet with something is intolerable. Agaran kong tinanggal ang suit ko at iniiwasan dumikit sa balat ko ang basang parte. Pero alam kong imposible iyon. Kaya banas na banas akong dumiretso sa shower at pinagana ito. Wala na akong pakialam if mainit o malamig man ang tubig, all I want is to scrub off this stench at once from my body. Hindi ko na malaman kung makailang ulit akong nagsabon at nagbanlaw. Hangga't pakiramdam ko ay may amoy pa ay hindi ko tinantanan ang pagtanggal nito. At sa wakas makalipas ang ilang minuto ay saka pa lamang ako nakahinga nang maluwag at tinapos na ang pagligo.

I took the towel and dried myself up. Nang masiguro kong tuyo na 'ko pati na rin ang buhok ko saka ko pa lamang sinuot ang guest robe ko. I don't have a choice, wala akong dalang pamalit since ang balak ko ay magpahinga lamang dito habang inaantay maganap ang secret meeting na pinaplano laban sa akin.

Then I remember, 'shoot! ' Mabilis kong tiningnan ang oras at lagpas alas dose na ng gabi. Damn! Hinagilap ko agad ang in-ear tranceiver saka sinuot ito. Saktong-sakto naman ang pagtawag sa 'kin ni Adan.

"Boss, nagsisimula na po sila. Ikaw na lang po ang hinihintay namin," he said.

"Change plan," maiksing sagot ko. Paano ko ba sila sosorpresahin sa ganitong kalagayan.

"Bakit po?" usisa naman nito.

"Some emergency came up."

"So hindi na po tayo tutuloy?" tanong pa niya.

"I won't be surprising them anymore. Let them have their secret meeting. Basta siguraduhin niyo na nailagay niyo nang maayos ang mga spy gadgets niyo sa loob ng room lalo 'yong recording. If this would be found out, 'yong back-up plan natin nagawa niyo rin naman di ba?" Sabay-sabay naman silang umoo sa 'kin. "Okay good. Goodluck guys. Let me have the report tomorrow. Pagkatapos nito ay maaari na kayong umuwi. Salamat. By the way Adan, give me a call."

Ilang minuto nga lang ay tumutunog na ang handphone ko.

"Bring me a suit tomorrow. Inform butler John I won't be coming home tonight."

"Po? Bakit Boss? Dito na kayo sa hotel matutulog?" Napakausisero talaga nitong assistant ko.

"Just bring me my suit early in the morning."

"Yes Boss!" mabilis na sagot naman nito kaya binabaan ko na siya ng tawag.

Napapailing na lang akong inilapag ang handphone ko sa bedside table saka na nahiga. Nang bigla naman akong may marinig na kalabog. Napabangon tuloy ako at halos mapamura nang maalala kong iniwan ko nga pala 'yong babae sa sofa kanina. Shit! Baka siya 'yong nahulog.

I tightened my guest robe bago ako naglakad palabas ng room para tingnan kung 'yong babae nga ang nahulog. And I was right. Nadatnan ko siyang nakahiga na sa carpet at masarap pa rin ang tulog. Sabog-sabog ang buhok nito lalo at wala na sa uluhan niya ang cap niya. Ang sunglass niya ay halos wala na rin sa pwesto nito. Bigla ay nacurious akong malaman ang itsura niya. Hindi naman siguro masama if I take a peek at her face, right? Besides, this is my suite. Siya ang trespassing.

Before I Fall in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon