Chapter 8: Scandal

98 26 100
                                    

ADAN's POV

"Boss, mukhang na-postpone po ata ang shoot, paakyat na po sila Ms. Dara oh!" Inaalalayan na kasi ni Kenzo si Ms. Dara paakyat. Ngunit nakapagtataka na wala akong nakuhang kahit na anong sagot kay Boss. Nang lingunin ko ito, ay kunot ang noong nakatingin sa kung saan.

Sinundan ko kung saan nakatingin si Boss at dumapo iyon sa isang magandang babae sa di kalayuan. Sexy itong manamit. Nakasuot ito ng mini skirt at hapit na blouse. Nakalugay rin ang mahaba nitong buhok. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Kandice Lorenzo.

Pero kung ikukumpara ko si Ms. Dara at siya, aba ay kay Ms. Dara ako. Hindi na niya kailangang magsuot ng gano'ng klaseng damit para lang makakuha nang atensyon. At kung pagandahan din ang labanan, walang tatalo sa idol ko. Solid Dara Ruiz ata ito!

"Kilala niyo Boss?" curious na tanong ko. Paano kasi doon pa rin siya nakatingin.

Pero tulad kanina ay hindi pa rin ako nito sinagot. Well, sanay naman na ako sa amo ko. Suplado talaga 'to at tamad magsalita. Na akala mo ikababawas ng kagwapuhan niya ang pagsasalita.

"Adan, call Annie and cancel the appointment," biglang wika nito.

"Po?" ang tangi kong nasagot. Bakit pa need ipostpone kung nandito na kame? Ilang hakbang na lang oh, ayun na si Ms. Dara.

"Didn't you hear me?" pagsusungit nitong bigla. Tsk! Bente-uno ka pa lang Boss pero parang nasa menopausal period ka na kung umasta.

"Yes Boss," mabilis na lang na tugon ko sabay kuha na ng phone sa bulsa ko.

Pero nahinto ako sa ginagawa kong pag-dial nang biglang may magsalita.

"Zi?" tawag nito.

Pati ako ay napalingon at tiningnan kung sino. Laking gulat ko na nasa harapan namin ngayon si Kandice. At kahit idol ko si Ms. Dara, hindi pa rin maikakaila ang gandang taglay ni Kandice. Ganito ba talaga pag artista? Sobrang kinis ng mukha at walang pores?

Mukha siyang nagulat at tila tuwang-tuwa na nakita niya ang amo ko. Pero teka, magkakilala pala sila? Gusto ko sanang tanungin si Boss pero blangko ang mukha nito. Mukhang si Kandice lang ang masaya na nagkita sila.

"How are you? What are you doing here?" sunod-sunod na tanong nito. Kaso si Boss, parang walang naririnig. Nakatingin lamang siya kay Kandice.

"You look great. And more handsome than before. It seems that being a president suits you after all," wika na naman nito. May pangiti-ngiti pa siya kaso walang epekto sa amo kong parang bato ang itsura ngayon.

"I didn't expect to see you here. Tanda mo pa ba na madalas tayong mamasyal dati rito? This is one of our favourite spots, remember?" masayang kwento pa nito pero si Boss parang bugnot pa ang itsura.

Kung pagbabasehan ko ang sinabi ni Kandice, mukhang may nakaraan si Boss at siya. Pero bakit hindi ko man nabalitaan ang tungkol dito?

"Zi? Aren't you listening?" tanong nito pagkatapos. Marahil napansin na niya na hindi siya kinikibo ng amo ko. "Can I invite you for coffee?"

Pero hindi ko na narinig pa ang sagot ng amo ko nang maagaw ni Kenzo ang atensyon ko. Tinawag nito si Ms. Dara na ngayon ay nakatingin sa gawi namin. At gusto kong magtatalon sa tuwa na nakikita ko siya sa personal. Gusto kong magpaka fanboy pero baka sisantihin ako ng amo ko kaya nanatili akong kalmado kahit sa loob-loob ko ay gusto ko nang himatayin sa tuwa.

Ngunit laking gulat ko nang biglang tawagin ni Boss si Ms. Dara at walang sabi-sabing ini-ilang hakbang lamang ang pagitan nila.

Bakas sa mukha ni Ms. Dara ang pagtataka gayundin naman ako. Anong balak ni Boss at nilapitan niya si Ms. Dara? Samantalang nakatitig lamang ito kay Ms. Dara habang ang isa ay tila naghihintay naman nang eksplanasyon. Nanatili sila sa ganoong estado hanggang sa halos mapasigaw ako nang biglang halikan ni Boss si Ms. Dara.

Before I Fall in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon