#TSRchapterFifteen
Breanna's POV
I must be thankful to Eric. Sobrang kulang pa ito sa ginawa niya. Isang porsyento lang yata 'to sa 100 percent na ginawa niya. Dahil buhay ko 'yung nakasalalay dito.
"What do you want?" Tanong niya sa akin pagkarating namin sa Resto.
"Ako dapat ang nagtatanong dahil ako yung may malaking utang na loob eh" sagot ko sa kaniya. Saka nginitian ko siya.
"I want you" natameme ako.
"W-what?" Napakurap kurap ako. Totoo ba 'yung narinig ko?
"I want you to be my friend" tapos umayos siya sa pagkaka-upo niya.
Bumuntong hininga ako at pumikit ng sandali. Akala ko ba naman kung ano na ang ibig sabihin niya.
Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. "Ahh" napakagat ako sa labi.
"I was treating you like a friend, Eric"
"Really?" Tanging sagot niya.
I nodded and smiled.
"So.. we're friends now?"
"Yes. We can be Friends" i widely smiled. Parang kaibigan naman na din talaga ang tingin ko sa kaniya dahil lagi siyang nandiyan. Since Highschool to College ay lagi niya akong tinutulungan sa lahat. Pero hindi kami naging magkaibigan. Basta masaya lang at magkakilala lang kami dati.
Ngumiti din siya sa'kin. "Sige. Kain muna tayo. Baka magutom ka" then i nodded.
Patapos na kaming kumain kaya dun ko na naisipang magpasalamat sa kaniya.
"Eric.."
"Hmm?" Lumingon siya sa'kin pagkatapos maisubo ang huling kutsara na isusubo niya. Tapos na rin kasi akong kumain eh.
"Thank you. Thank you so much for everything. Thank you for being always a back-up friend to me. Thank you kasi niligtas mo 'yung buhay ko. At alam ko na sobrang laking utang na loob 'yun. And I don't know if this would be enough--" hindi niya na ako pinatapos sa sasabihin nang magsalita siya.
"I am okay. You don't have to give anything. Sabi mo nga, back-up friend mo ako kaya ginawa ko 'yon." Then he smiled.
"Basta. Kapag kailangan mo din ako. I'm here. Babawi talaga ako." I smiled back. Tinapos na naming kumain. Sabi ko ako ang maglilibre sa kaniya pero binayaran niya naman agad. Nakakainis.
...
I Spent The Whole two week normal. Busy pa rin ang mga kaibigan ko kaya si Eric lang ang nakakausap ko lagi sa Facebook. Minsan tinanong ko nga siya kung bakit hindi siya nagtratrabaho ang sagot niya sapat naman daw ang pinapadala ng kapatid niya. Pero gusto niyang magtrabaho kaso lang hindi ang mga papers niya ay nasa ate niya sa ibang bansa.
He's not able to get it because of financial needs. Hindi naman siya mayaman at hindi rin siya mahirap. Sakto lang. Madami kasi silang magkakapatid kaya kapag ginastos niya ang ipon nila para makuha ang papers niya at makapagtrabaho. 'Yung mga kapatid niya naman ang mahihirapan. I wanted to help them pero ayaw ni Eric.
Makakatulong naman 'yon sa kanila sabi ko sa kaniya. At para masuklian ko na rin ang ginawa niya para sa akin. Ayaw ko din naman kasing nahihirapan ang kaibigan ko sa gastos.
Madami na rin kaming napag-usapan ni Eric mula nung maging magkaibigan na talaga kami. Family History at ibang napagtanungan namin. We had a lot of personal communication. Mas lalo kaming naging magkakilala.
YOU ARE READING
The Sweet Revenge [COMPLETED]
Romance"If my heart beats for you, it'll beat only for you." - #TheSweetRevenge @ZiexeeProduction