Chapter 20-Guilt

171 30 1
                                    

#TSRchapterTwenty

Breanna Ymyn Emelore

PUNO NA naman ang sarili ko ng pagsisisi. Pakiramdam ko ay ako yata ang may kasalanan sa nangyari kay Tito Greg.

Sana pinakinggan ko si mama noong tunawag siya. Sana sinabi ko kay dad na may sakit si Tito Greg noon. Sana natulungan ko siya.

Pero sana pinilit din ako ni mama na malala na pala ang sitwasyon ni Tito Greg. Hindi naman kasi ako pusong bato para hindi maawa sa kanila kapag ganun na ang nangyayari.

Hindi ko nagawa ng maayos ang driving lesson ko kanina dahil busy pa rin ako sa kaiisip. Tanong tuloy nang tanong si Jasmin sa akin kung may problema ako. Pero hindi ko sinasabi. Kahit na mas mukhang malaki ang problema niya, nagagawa niya pa akong tanungin.

Ngayon, sobrang naaawa na ako sa kanila. Naging masama lang ang tingin ko sa kanila dahil sa mga anak ni mama doon. Noong nakitira ako roon ng tatlong buwan, pinag-uutos ako ng mga anak niya. Tapos hingi sila ng hingi ng pera. Doon ko nga natutunan lahat ng mga trabaho nila. Halos dalawang buwan din nila akong inabuso. Noong unang buwan ko roon ay nahiya pa sila sa akin. Pero habang tumatagal. Kumakapal din ang mukha nila sa akin. Naging literal na wala na silang hiya.

Kaya naisipan kong lumipat sa condo at kasama si Shada.

Pilit ko pa ring iniisip na baka ako ang may kasalanan nito. Gusto kong umiyak, pero bakit pa? Wala na nga eh. Wala na si Tito Greg. At hindi na ako magugulat kung magagalit sa akin si mama. Ayos lang, magalit lang siya sa akin, basta mawala lang 'yung sakit na nararamdaman nila ngayon.

"We'll go there Tomorrow." Sabi ni dad. Hindi na ako sumagot. Of course kailangan talaga naming pumunta doon. Pero hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap doon.

Nahihiya ako. Nalulungkot din ako kasi mahirap na nga ang pamilya nila. May mababawas pa.

Tumawag ako kina Triee. Kinuwento ko ang lahat ng nangyari mula noong huling tumawag si mama. Base sa narinig niya. Hindi ko naman daw kasalanan ang nangyari.

Pero bakit noong nasa hapagkainan kami? Lahat sila tahimik, na parang ako lang dapat hindi makaalam dahil alam nila na sisisihin ko ang sarili ko sa pagkamatay ni Tito Greg.

I talked to Eric, and he's just saying melting words to comfort me. Nakalimutan kong tanungin kung may kasalanan ako. Busy kasi siya. Pero kakausapin ko nalang ulit siya.

Si Manang hindi rin nagsalita sa akin. Gusto ko siyang tanungin kung kasalanan ko ba 'yon. Pero kapag tinatanong ko siya, iniiba niya ang usapan. Pinapalitan niya ng usapan na puwedeng magpalabas ng ngiti ko. And i love that talent she had. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko sa kasisisi sa sarili.

Paano kung kasalanan ko talaga? Mas lalong magkakaroon ng galit sa akin ang mga anak ni mama. Hindi ko na malalaman ang tamang direksyon na dapat kong tunguhin.

Kahit hindi huling sabado ng buwan ngayon, ang mga kambal pa rin pumunta dito sa bahay.

Narinig ko na ang boses ni Fhatti na nagtatanong kung nandito ako kaya hinanda ko na ang sarili.

I thought they are only three, but I didn't expect that Trunk will be here. They are now four. Medyo gumaan ang loob ko dahil nakita ko na muli siya.

Hindi ako nakapagsalita agad. Nagulat talaga kasi ako na makikita ko pala siya ngayon. Hindi man lang sinabi ni Triee para nakapaghanda ako.

Hindi ko alam pero parang bumalik kaming dalawa ni Trunk sa nakaraan. Parang hindi magkakilala. Kahit siya ay hindi rin nagsasalita.

"Breanna.. nandito kami para damayan ka." Mahinang sabi ni Belei.

The Sweet Revenge [COMPLETED]Where stories live. Discover now